Wattpad Original
Mayroong 4 pang mga libreng parte

Introduction

115K 2.5K 316
                                    


Sabi nila, love comes at the most unexpected time, in the most unexpected place, with the most unexpected person. Parang magic. Kaya lang, hindi ko magawang paniwalaan ang sinasabi nila.

Ano 'yon? Destiny? Ha! Destiny nila mukha nila.

Kalokohan.

Kontrolado ko ang nararamdaman ko. Hawak ko ang puso ko. Napapasunod ko ang utak ko. I am the master of my own emotions.

Mai-in love ako kung saan ko gusto.

Mai-in love ako kung kailan ko gusto.

Mai-in love ako kung kanino ko gusto.

Ako ang bahala sa kapalaran ko. Ako ang magdidikta sa sarili ko kung saang direksyon ako pupunta. Sinong maniniwala sa destiny na 'yan?

Ang destiny na tinatawag nila, excuse lang 'yan ng mga taong tamad at umaasa. Dahilan lang 'yan ng mga taong takot mag-isa at umaasa na may maghahanap ng tamang tao para sa kanila.

Kaya lang . . . parang may binabalak ang mundo para alamin kung tama ba ang sinasabi ko o mas tama ang sinasabi ng ibang tao.

Parang sa isang pangyayari, maguguluhan ako sa sarili kong paniniwala.

Bakit? Dahil . . .

In a quite expected place, at a quite expected time, the most unexpected person came.

Kiss of FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon