3

21.6K 379 7
                                    

Daniel's POV

Nagising ako dahil parang may nakadagan sa akin, pagkagising ko. Tss, eto lang naman si kath grabe humiga. Tatanggalin ko na sana yung paa niya sa legs ko kaso nga lang niyakap niya ako ng mahigpit. Parang bata lang eh.

"Huy tumayo ka na nga diyan" sabi ko sa kanya.

"Hmm" eh?

Wait! maasar nga to.

"Ayaw mo ha" sabi ko sa kanya. Hahaha.

Binaliktad ko yung pwesto namin. Nasa taas niya ako at siya naman nasa baba ko. Hahahaha.

Nagising naman siya agad at nagulat Haha. Ang cute.

"Anong ginagawa mo?!" gulat na tanong niya. Haha, sarap talagang pagtripan 'to

"Ayaw mo tumayo eh. Kaya baka gusto mo nang gumawa ng apo na hinihingi nila mama" nakasmirk ako kaya parang mas nagulat siya lalo at parang mas gusto na niyang tumayo at tumakbo, kaso nga lang mahigpit pagkakahawak ko sa kanya kaya hindi siya makaalis.

Linalapit ko na yung mukha ko sa kanya at hahalikan SANA siya pero biglang pumasok sila Kats."Anong kababalaghan ang ginagawa niyong dalawa?" sabi ni Jc.

Lahat naman sila nagulat sa pwesto namin. Walang kumikibo. Kaya tumayo na ako at si kath umupo lang sa kama.

"wala 'no, kung anu-ano na naman iniisip niyo diyan" sabi ko sa kanila at binatuhan sila ng unan.

Pero biglang may binulong si jc sa kanila. Huh?! Ano na namang pakana yan?!

Bigla naman sila ngumiti ng nakakaloko. Eh. "Ahh sorry naman kung naka-abala kami, sige baba lang kami ha! At pagpatuloy niyo lang yan. Sige byyee" sabi naman ni katsumi at bumaba na sila na tumatawa pa. Mga baliw talaga yun!

Napatingin ako kay kath at napatingin rin naman siya sa akin tapos sabay kami umiwas ng tingin. Isang word lang ang madedescribe ko sa aming dalawa ngayon. AWKWARD!

"ahh-uhhm...sige labas na ako ha!" sabi ni kath at kumaripas na ng takbo. Akala niya di ko napansin, ang pula-pula ng mukha niya. Haha.

Nag-ayos na ako ng sarili at naligo na. Pagkatapos ko maligo nagsuot na ako ng uniform, sapatos, ayos ng buhok, at naglagay ng pabango. Tsk, pogi ko na naman . Hays. Lumabas na ako ng kwarto at bumaba na.

"Oh iho kumain ka na at baka maubusan ka ng pagkain" sabi sa akin ni manang at tumingin sa dining area. Ay naalala ko pala nandito sila kats -_-

"Sige po manang, pakitawag na rin po si kath" tumango na lang si manang at umakyat na.

"Oyy mga ulol magtira nga kayo ng pagkain para sa amin, grabe kayo kumain" sabi ko sa kanila, grabe naman kumain eh, parang di nakakain ng isang taon.

Napatigil silang lahat at napatingin sa amin. "Uy tapos na ba kayo" sabi ni lester na nakangiti ng nakakaloko. Maya 'to sa akin.

"Ewan ko sa inyo" sabi ko na lang tapos sila tumawa lang.

Umupo na lang kami at kumain na din, pero itong mga ulol kaibigan ko asar lang ng asar sa amin. Baliw lang.

Pagkatapos namin kumain lahat, sabay sabay na kami pumuntang school. "Dj pano ako pupuntang school eh diba sabay tayong umuwi kahapon kaya di ko nauwi yung kotse ko" sabi ni kath, oo nga 'no sabay kaming umuwi kahapon.

"Sabay na lang tayo, oh sakay na" binuksan ko yung pinto at sumakay naman siya agad. Tss. Sumakay na rin ako at nagdrive na akong papuntang school.

Married to Mr.Possessive (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon