𝐾𝑎𝑏𝑎𝑛𝑎𝑡𝑎 1

455 13 0
                                    

KAI POV
Hindi masasabing perpekto ang buhay kung puro saya na lamang ang mararamdaman ng tao.Kailangang maging balanse ang lahat.Sa mundo,maraming naghihirap at mayayaman,mga hindi pantay na pagtingin.Alam ko na ang mga iyan.Sa araw-araw na pinagmamasdan ko at nadadaang mga tao sa kalye,awa at pagkahabag lamang ang nagagawa ko.

Ako si Kaisley Brey "kai" for short.Hindi kami mayaman,may kaya lang ang pamilya namin.Narito ako naglalakad patunong Wudwind University,isa akong scholar.Mababait naman ang mga tao dito.May mga kaibigan ako.Napatingin na lamang ako sa luma kong relo,nako baka malate na ako.Binilisan ko ang paglakad.

"Hayst!Akala ko malalate na ako"saby punas sa aking pawis.Ayokong sumakay ng trycicle dahil sayang pera,may school projects pa kasi ako.

Bago pumasok ay binati ko si manong guard na lagi ko namang ginagawa."Good morning,Kuya Guard!"masiglang bati ko dito.

"Magandang umaga rin,kai."kilala na ako ni manong dahil bestfriend kami ni manong haha!Tinanguan ko na lang ito at dumiretso na sa paglakad.

"Waaahh!"nagulat ako ng may humatak sa akin.Napatingin ako kung sino ito,lintek si Janice lang pala.

"Walanghiya kang babae ka!Aatakihin ako sa puso dahil sayo e!"asik ko dito ngunit tinawanan lang ako.

"Haha!Ang epic ng mukha mo,kai!Jusko haha"napahawak pa ito sa tiyan niya "haha!Nakakatawa ka,kai" agad ko itong hinampas kaya medyo tumigil na ito.Hindi makamove on?!

"Sino ba namang hindi magugulat diba?!"inirapan ko ito at naggalitgalitan,bahagya akong nauna ng lakad.Alam kong susunod 'to sakin.

"Uy best!Sorry na"napangisi na lang ako.Hinahabol nito ako ngayon.Tignan natin ngayon.

"Best,pansinin mo na ako!"

"Sorry na!"

"Oo na!"hindi ko talaga matiis 'to.Btw,She's Janice Cabreo.Nakilala ko siya sa isang playground.

"Sabi na hindi mo ko matitiis eh!"

"Tara na!Malelate na tayo"ani ko dito.Agad naman akong hinatak nito.Jusme talaga pero bakit parang may mga matang nakatingin sa akin.

Nakarating kami ng classroom ng hindi ko namamalayan.Nasa isip ko pa rin ang mga lalaking nakita ko.Ilang araw ko na ring silang nakikitang nagmamatyag.Anong kailangan nila?

"kai,alam mo ba---"

"Hoy kai!"

"kai"

"Booo!"

"Ay kabayong pato!"

"Bakit ka ba ng gugulat,Jan?!"asik ko dito.

"Anong ginulat?kanina pa kita tinatawag tulala ka!"

"Ang lalim naman ng iniisip mo,kai,ang hirap sisirin."wika nito at ibinaba na ang bag sa upuan habang napapailing pa rin.

"Sira.Andyan na si Ma'am."saad ko at dagli-dagling pumunta sa upuan ko.Mabait si Ma'am Rosales.

"Good morning,students!"nakangiting wika nito kaya bumati kami pabalik at nagsi-upo rin ka-agad.

Nag-umpisa ang klase at nakasusunod ako.Nawala sa isip ko ang nangyari kanina.Hindi ko namalayang lunch na pala at tumayo na ako.

"Jan,tara na?"aya ko dito.Mayroon akong sapat na allowance para makakain sa cafeteria dahil hindi rin naman gaanong mahal doon.

Agad kaming nagtungo sa cafeteria para kumain.Nang may maramdaman na naman akong mga mata na nakatingin sa akin.Ano bang nangyayari?Binalewala ko na lamang ito dahil tiyak na hindi na naman ako mapapakali.

Owned By A BillionareWhere stories live. Discover now