May katandaan na rin sina Inay Laida at Itay Fredo pero kinakaya nila ang lahat para sa kanilang dalawang anak na babae, kayumanggi ang balat ni Inay Laida senyales na isa siyang purong pilipino, katamtaman din ang taas at hubog ng katawan niya pero kahit na may katandaan na siya mababakas parin sa kanya ang kanyang likas na kagandahan na namana rin sa kanya ng dalawang anak na sina Isabela at Francisca. Samantalang si Itay Fredo naman ay matangkad, mestizo, kulay kape(brown) na mata at mala kulay kape rin na buhok, kung titingnan ang pisikal na anyo ni Mang Fredo mababakas at nangingibabaw sa kaniya na isa siyang Kastila ngunit kung aalamin mo ang nilalaman ng kanyang puso, magkaibang-magkaiba sa ibang mga kastila na tulad niya.

"Opo Ina!" masigla at sabay na tugon ng dalawa, nagkatinginan muna sila saka sabay na natawa.

Napangiti rin ang mag-asawa sa dalawang anak na ngayon ay nagsusubuan ng nilagang saging, "Uuwi rin kami ng inyong Ina mamayang hapon kaya dito lang kayo sa bahay at huwag makikipag-usap at magtiwala agad sa hindi niyo pa kilala" wika ni Itay Fredo sa dalawang anak, pinapaalalahanan lang nito ang dalawang anak na mag-ingat at huwag basta-basta magtitiwala kahit kanino.

Nilunok muna ni Francisca ang kinakain saka tumingin sa ama, "Ama, ika limampu't lima(55) niyo na hong paalala samin yan, tandang-tanda ho namin yan ni ate" tugon ni Francisca, "Saka ho, Ama, Ina huwag ho kayong mag-alala samin ni ate dahil sinusunod ho namin ang mga bilin niyo" patuloy pa ni Francisca sabay ngiti sa mga magulang, alam niyang ang kanyang ngiti lang ang daan upang maibsan ang pag-alala ng kanilang Ina at ama sa kanila, sapagkat dalawa lang silang babae ang palaging naiiwan sa bahay kaya hindi maiwasang mag-alala ng kanilang mga magulang.

Umusog ng kaunti si Itay Fredo kay Inay Laida saka inakbayan ang asawa.

Sa kabilang bahagi naman ng upuan ay tinitignan silang dalawa nina Isabela at Francisca na palihim na ngumingiti dahil kahit medyo may katandaan na ang kanilang mga magulang nakikita at nararamdaman pa rin nila na ang pag-iibigan ng kanilang mga magulang ay hindi pa rin kumukupas at alam rin nila na panghabang buhay itong Pag-ibig.

Naka-akbay pa rin si Itay Fredo kay Inay Laida habang si inay Laida naman ay sinusubuan si Mang Fredo, " Mahal ko, sa tingin ko kailangan na ng kapatid na lalaki ng ating dalawang anak" sambit ni Itay Fredo habang nakangiti sa kanyang asawa, samantalang ang dalawang anak naman sa kabila ay palihim na natawa dahil sa kapilyuhan ng kanilang ama.

Tumigil si Inay Laida sa pagbabalat ng nilagang kamote saka sarkastikong ngumiti at tumingin sa asawa na ngayon ay pagkatamis-tamis ng ngiti, "Sa tingin ko hindi nila kailangan ng kapatid na lalaki, sadyang ikaw lang ang may pangangailangan" tugon ni Inay Laida sa asawa saka bumalik ang tingin sa pagbabalat ng nilagang kamote at kinain agad.

"Mahal naman, nagbibiro lamang ako, huwag mong seryosohin, masaya na ako dahil kayo ang kasama ko" wika ni Itay Fredo na nakapag-pangiti sa kanyang tatlong prinsesa, sumandal si aling Laida sa balikat ng asawa samantalang ang dalawang anak ay tumayo at lumapit sa kanilang likod saka yumakap.

"Kami rin ho ni Francisca masaya at nagpapasalamat ho kami dahil kayo ang naging magulang namin, hindi niyo man samin naibigay ang marangyang buhay ngunit punong-puno naman ho kami ng pagmamahal mula sa inyo" wika ni Isabela na nakapagpangiti rin sa mag-asawa

"Tama ho si Ate, Ama, Ina, ang pagmamahal niyo ho sa amin ay walang katumbas, mananatili ho sa aming puso ang ating mga masasayang alaala at pagmamahalan bilang isang pamilya" wika naman ni Francisca dahilan upang mapaluha sa saya ang kanilang Ina.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 19, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

A Promise For You Where stories live. Discover now