Chapter 4: Abandoned Adventure Park

747 4 3

September 4 habang abala ang Paranormal Team Org ng isang kilalang skwelahan sa Bukidnon ay may napansin si Brena na kakaibang news.

PARA SA NEWS BREAK: "ISANG ABANDONED ADVENTURE PARK SA BUKIDNON NATUKLASAN NG MGA KABATAAN ISANG LINGGO ANG NAKALIPAS, NGUNIT AYON SA MGA TAONG NAKATIRA NA MAY MGA ILANG-ILANG KILOMETRO LAMANG SA ABANDONED ADVENTURE PARK, NAKITA DAW NILA ANG MGA KABATAAN NA PUMASOK SA PARK PERO HINDI NA RAW NILA ITO NAKITA PANG LUMABAS. AT PARA SA KARAGDAGANG ULAT, SUMABAYBAY LANG NGAYONG GABI SA TTTTVVVV PATROL!!!!" ~ END OF THE NEWS BREAK.

"Guys, guys nakita niyo yun? I think that Abandoned aventure park or something is some kind of weird and interesting, what do you think?"

Sabi ni Brena sa mga kasamahan

"guys, guys! ang arte!" sabi nman ni Ryan. 

"You shut up Ryan! Anyways, guys, i think Professor Jake would love to go to that place, and gues what, hindi pa raw nakalabas ang mga grupo ng kabataan which means, may mystery dun, ,wow! sound interesting right?" wari ni Brena sa mga kasamahan

"OO nga no? ano kaya ang nangyari sa mga kabataan? at bakit kaya hindi pa sila nakalabas? baka may something nga sa abandoned park na yun?" dagdag na sabi ni Chester 

"See? Ryan?? Our leader said it already, na interesting yung park, so better sakay ka nalang sa bright idea ko" pang-aasar na sabi ni Brena kay Ryan

"See Ryan??? Tumahimik ka nga, nakakinis na yang kaartehan mo, e kung sapakin kita jan?" sabay posing kay Brena

"Oh! Tama na yan. . " mahinahong sabi ni Professor Mark na kagagaling lang sa isang meeting

"OMG PROF! Did you see that news! It's like super interesting at super bongga talaga, what if puntahan natin coach? Ang saya kasi" arteng sabi ni Brena sa professor nito.

"Okay guys! Chester, Ryan, Michael, Sheena, Brena and Mitch hali muna kayo dito may pag-uusapan lang tayo tungkol sa school presentation sa susunod na linggo at sa gagawin nating group special trip" 

At kung kaya ay tinigil muna nila ang kanilang ginagawa at nagkumpulan sa meeting room nila.

"Guys! Remind ko lang sa inyu na ang group special trip natin ay this coming Friday night kaya gusto ko malaman kung saan ang gusto niyong lugar na pupuntahan natin. At upang din may maipakita tayo sa school presentation this coming September 14 kaya naman, dapat natin itong bilisan at dapat e impress natin ang University counsilors and University officials" paunang sabi ni Professor Jake sa kanila

"Teka lang po Prof, why we need to impress them? May contest po ba ang mga orgs? O meron ho tayong hinaharap na problema? tanong ni Chester sa Professor

"Okay sige, I want to give you the detailed agenda. Sa meeting namin kanina, napag-usapan ng board and counsilors na tanggalin ang mga clubs or org na hindi masyadong kakailanganin ng university. And sad to say, isa ang org natin na sinasabi nilang, "KAILANGAN" daw tanggalin dahil sa bilang ng mga myembro at sa wala pa raw tayong napapatunayan sa kanila" sagot naman ni Professor Mark 

"DaaH! as if naman, may napatunayan na ang ibang org dito sa University, at least tayo, unique at maraming activities sa mga students" reklamong sabi ni Brena

"Okay sige, hindi na kita babarahin pa jan sa sinasabi mo Brena kahit ang arte-arte na pagkasabi mo. Well Prof, may point po si Brena, kahit labag sa kalooban ko. Tignan niyo po yung mga Camera club, may camera nga sila pero hindi naman ganun kagaganda ng mga kuha nila, and yet pinapaboran po sila ng university" wika naman ni Ryan

Isang Malagim na Gabi [C.O.M.P.L.E.T.E.D]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!