Clair's POV

Nandito kami ngayon sa park. Kasama ko si Aubrey.

"Ba't ang ganda ko?" Tanong ni aubrey out of the blue

"Ano ba yan! Ang hangin!" Sabi ko naman.

"Ang sama mo. Pag ikaw nagiilusyon pwede. Pag ako hindi? Ganon?" Nagtatampong sabi niya.

"Wala eh. Maganda eh." Sabi ko naman.

Naglalakad kami sa park nang makakita kami ng dirty ice cream. Kilala ko yun ah!

Naalala ko pa nung time na nagkilala kami. Dito nangyari ang tatagpo namin. Eww ang lalim.

Flashback.....

"Pabili po!!!!" Sabi ko kay manong ice cream habang pinangkakatok ko yung limang piso ko sa panglako niya.

"Magkano iha?" Tanong ni manong ice cream saken.

"Magkano po ba yung nasa tinapay?"

"10 piso lang iha. Anong flavor ba gusto mo?" Tanong ni Manong Ice cream saken.

"Sige kuya yung nasa tinapay na lang po. Tsaka kuya isang nasa cone na trunk ng puno yung itchura. Ano po. Chocolate lang po."

"Chocolate? Sige."

"Kuya chocolate lang ah! Wag ka nang maglalagay ng ibang Flavor! Chocolate lang."

"Ang cute mo iha. Ano bang pangalan mo?" Tanong saken ni Manong Ice Cream.

"Clair po! Kayo po? Ano pong pangalan nyo?" Tanong ko kay Manong Ice Cream.

"Ernesto iha. Ernesto ang pangalan ko."

"May anak po kayo?" Tanong ko.

"Wala eh. Pero kung pinagpala man ng Dyos. Sana maging kasing bibo mo siya."

"Hihi. Thank you po. May asawa po kayo Tata Ernesto?" Tanong ko.

Bigla namang lumungkot ang mukha ni Tata Ernesto at saka ako sinagot. "Mayroon akong asawa iha. Kaso kakapanaw lang niya nung nakaraang linggo dahil sa tumor sa kanyang utak." Pagpapaliwanag ni Tata Ernesto

"Ala. Wala na po siya?  Nako, sorry for your lose po" sabi ko.

"Nako, okay lang iha. Mawawala rin naman etong sakit. Eh ikaw? Asan ang mga magulang mo iha?"

"Ako po? Nagtratrabaho po sila ngayon. Bagong lipat lang po kasi kami dito sa subdivision kaya naisip ko pong maglibotlibot muna."

Inabot saken ni Tata Ernesto ang ice cream ko at sinabing maupo muna kaming dalawa sa silya na malapit sa kinatatayuan namin.

"Kakalipat nyo lang pala dito. Eh bakit wala kang kasama? May mga kapatid ka ba?"

"Meron po. Dalawa. Isang babae tapos isang lalaki."

"Ba't di mo sila kasama ngayon?" Tanong ni Tata Ernesto

"May school pa po kasi sila ngayon. Ako naman po Home Schooling kakatapos lang po ng session namin ngayon."

"Ilang taon kana ba Clair? Bakit parang ang bata mo pa?" Tanong ni Manong Ernesto

"4 years old na po ako ngayon. 2 1/2 years old pa lang po nag-aaral na ako."

"Ang bata mo pala."

Nagkwentuhan pa kami ni Tata Ernesto hagang sa tawagin ako ni Tita Shanelle.

"Clair! Hay nako! Mababaliw ako sayo eh! Pag-uwi ko galing school wala ka na sa bahay!" Sabi ni Tita Shanelle

"Nako, manong pagpasensyahan nyo na po etong pamangkin ko sa kakulitan niya ah." Pagpaumanhin ni Tita shanelle

"Ay, nako. Okay lang iha. Ang saya nga kasama nyang pamangkin mo eh."

"Sige po Tata Ernesto Babay!!!" Sigaw ko at umalis na kaming dalawa ni Tita shanelle.

End of Flashback

Habang namg Flashback namin ni Tata Ernesto no?

"Tata Ernesto!!" Sigaw ko.

"Clair iha? Ikaw ba yan? Nako! Hindi na kita namukaan. Mukhang gumanda ka lalo at tumangkad ka ah."

"Oo nga po eh. Ang tagal ko na pong hindi naka dalaw sainyo. Isang ice cream po na nasa tinapay at sugar cone" sabi ko kay Tata Ernesto at abot ng bayad ko

"Ay hindi na Clair iha. Ako na. Libre ko na." Sabi ni Tata Ernesto

"Ay, hindi po. Nako, nakakahiya naman po."

"Nako, Clair. Bago yun ah. Ikaw iha nahiya? Eh samantalang ang daldal mo nga dati."

Wala na akong nagawa kundi sumangayon kay Tata Ernesto. Pinakilala ko si Aubrey sakanya at nagkwentuhan pa kaming tatlo hangang sa napagpasyahan naming umalis na ni Aubrey.

Naglalakad kami nang biglang may nalaglag sa harapan kong dahon.

"Ano ba yan. Sa sobrang ganda ko pati dahon nahuhulog saken." Sabi ko.

"Bakit hindi mo pinulot?" Tanong ni Aubrey. Pero wala sa isip kong biglang sabi.

"Hindi kasi lahat ng nahuhulog sayo. Pupulitin mo. Katangahan yun."

---------

A/N: Isang maikling Update lamang ito. Galing ko po magtagalog no? Hahaha! Joke lang! Thank you for reading po ^_^

Are you, The One? (On-going)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!