"Let's go" naglakad na kami papunta sa parking area.

"Sakin ka na sumabay" sabi ni Ken kaya wala alinlangang pumayag ako.

Pinagbuksan niya ko ng pinto kaya napangiti ako. Ng makapasok ay pumasok na din siya. Siya na rin ang nag ayos ng seatbelt ko.

Napatingin ako sa kanya habang nagmamaneho siya. Nakangiti siyang nakaharap sa daan ng maramdamang nakatingin ako ay tumingin din siya.

"Bakit?"

"Bat ka nakangiti diyan?" tanong ko na napapangiti na rin.

"Masaya lang ako kasi magkaka-baby na tayo" napangiti ako "Tyaka ang saya ko rin dahil na miss mo ko"

"Masaya rin ako dahil bumalik ka"

"Ngunit ko lang pa" lito akong tumitig sa kanya.

"Ha?"

"Hindi mo pa sinabing mahal mo ko" natigilan ako at hindi nakapagsalita.

"It's okay. Masasabi mo rin yun. Not now but soon dahil papakasalan kita" mas lalo akong napatitig sa kanya.

"Kasal?"

"Oo, bakit ayaw mo?"

"Hindi naman sa ganun"

"So gusto mong ikasal tayo?" ngiting sabi niya na ikinatahimik ko.

"Sabihin mong, Oo. Didiretso na tayo ng simbahan" napatawa ako sa sinabi niya.

"Seryoso ako" natigilan ako.

"Ken?"

"Seryoso akong pakakasalan kita pero syempre hindi pa ngayon. Hindi mo pa nga ako mahal eh" napaiwas ako ng tingin.

Gusto kong sabihin mahal ko siya pero nahihiya ako.

"We're here" agad kong kinalas ang seatbelt ko ng sabihin niya yun.

Pinagbuksan na namn niya ako ng pinto. Nang makalabas ay nakita kung nag intay ang mga kasamahan namin sa parking area.

"Tara sa Pizza parlor" agad sabi ni matt na nauna ng pumasok ng mall.

Sumunod naman kami sa kanya. Habang naglalakad ay naramdaman ko nalang na hinawakan ni Ken ang aking kamay.

Holding hands while walking.

Napangiti ako sa isiping iyon. Hinayaan ko nalang din hanggang sa makapasok kami sa isang pizza.

"Anong gusto mong pizza?" tanong ni ken sa akin.

"Kahit ano nalang" sabi ko.

"Okay" sang ayon niya at napatingin sa aming kasamahan "Ako na mag order guys"

"Hindi mo man lang tanungin kong ano yung gusto namin?" nakangusong tanong ni rhyz.

The Innocent Revengeحيث تعيش القصص. اكتشف الآن