CHAPTER 27

90 14 0
                                                  

"Sure ka bang hindi maanghang 'to?" Naniniguro kong tanong habang binubuhos ang hawak na sauce. Tinaas baba lang nito ang ulo, sumasangayon sa akin.

Kumibit balikat lang ako, tinapon ang plastic doon sa basurahan. Nakakagulat lang na may nakatagong basurahan si Vico sa compartment niya. Ewan ko ba at kahit anong kailangan ata namin ay meron siya.

Sabay kaming tumusok ng soimai at isinawsaw sa sauce. Nginuyanguya ko ito, nilalahasan. Masar-

"KINGINA! TANGINA! BAT MAY SILI!?"

Nanlalaki ang mata ko sa gulat. Napanganga pa habang pinapaypayan ang bibig. Ang anghang!

Hindi malaman ang gagawin ni Vico hanggang sa naiinis na tinuro ko na ang tubig. Mabilis pa sa isang kisapmatang ininom ko iyon.

Nakakamatay na tingin ang pinukol ko sa kanya. "Naghihiganti ka ba?" Madiin kong tanong dito, pinipigilan ang galit. Tangina. Ayoko sa lahat ng maanghang. Mapapakain mo pa ako ng walang lasang ulam kesa yan.

Nahihintakutan siyang umiling. Tinaas pa ang isang kamay, nangangakong nagsasabi siya ng totoo.

Napabuga na lang ako ng hangin. Ano pa ba magagawa ko? Nangyari na.

Dahil mukhang wala naman nang kakain nun, tinapon na lang namin. Nakakapanghinayang nga lang. Noon ang pagkain sa akin ay napakahalaga. Hindi ko aakalain magagawa kong magsayang ngayon.

Tipid akong ngumiti kay Vico pagpasok nito at sa paglalim ng gabi tanging kulitan lang namin ang marinig kasabay ng nakukumahog kong puso.

Napaungot ako sa paulit ulit na pagkatok sa labas. Ano ba naman yan? Hinampas hampas ko ang katabi. "Vico buksan mo"

Umungot din ito. Hinampas hampas din ako. "Jesusa buksan mo" Ay. Punyeta.

Malakas na kinurot ko siya sa singit, nagbabala na paghindi niya sinunod utos ko. Lagot siya. Naramdaman ko ang mabilis na pagupo nito at derederetsong lumabas.
Mabuti naman.

Namumungay ang matang nagmulat ako. Sa sobrang sarap ng pagaasaran namin kahapon dito na kami natulog sa parke. Kinakamot ang magulong buhok akong sumunod kay Vico.

"Bakit kuya?" tanong ko sa gwardya. Napakamot ito ng ulo, alanganing ngumiti. "Ma'am pinapaalis na po kayo. Nakakaabala po kasi kayo may nagaayos doon" tinuro niya ang likod ko. "Sa susunod po na magsisiping kayo pumunta na lang kayong motel"

Ano daw!?

Umalis na ang gwardya habang natuod lang ako sa kinatatayuan. Hindi pumapasok sa isip ang sinabi nito. Tangina nung una napagkamalan ako nakikipagsoc!? Ngayon eto naman!? Punyeta!

Pinasadahan ko ng tingin ang sarili pati na din si Vico. Doon napagtanto ko kung bakit kami napagkamalan. Nakalihis ang aking damit sa may balikat habang nagpupunas si Vico ng damit sa ulo.

Napaikot na lang ako ng mata. Ang Judgmental. Sarap sapakin.

Sabay na kaming pumasok sa loob. Pinagtawanan na lang namin ang nangyare.

Pagkauwi ng bahay napanganga na lang ako sa kalat. Ang laman ng unan ay nakabalandra sa buong paligid, pati na din ang iilang pagkain napapalibutan ng mantikilya at ketchup. Ang hugasin ay nakatambak, akala mo isang dekada kaming hindi naghugas.

Napasapo ako ng ulo. Kung alam ko lang ganto sila magsaya hindi na ko sumama kay Vico.

Napapikit ako ng mata, pinipigilan sumigaw. Hinawakan na din ni Vico ang kamay ko, pinapakalma pero hindi din naman naging epektibo.

Pagmulat ko ng mata. Mas lalong naglagablab ang galit ko.

"MGA BATUGAN LABAS!"

Nanlalaki ang matang napaupo ang mga ito, nagkauntugan pa. Pinisil naman ni Vico ang kamay ko at hinapit papalapit sa kanya.

Our Phone Love Story (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon