MGD 49 - Tic Tac Toe

196K 4.9K 1.1K
                                    

[MATURE CONTENT]
READ AT YOUR OWN RISK
*****
MGD 49 — Tic Tac Toe

"Ano ba kasing balak mong ungas ka?" tanong ko dahil dinala n'ya kami ni Yusef dito sa condo n'ya.

"Maglalaro nga tayo.." sabi n'ya habang inaayos ang bagong biling crib ni Yusef.

"Anong laro nga?" umupo ako sa couch at pinatong ang paa ko sa isang glass table. Pinagmamasdan ko lang s'ya habang inaayos n'ya ang unan sa crib.

"Tic tac toe." matipid na sabi n'ya at napataas ako ng kilay. Tumayo ako sa kinauupuan ko at lumapit sa kanya.

"Kuhanin mo si Yusef.." inabot ko sa kanya si baby at inilagay n'ya ang mahimbing na si Yusef sa crib. "Pambata naman 'yang laro na 'yan." sabi ko at hinawakan n'ya ang kamay ko.

Nandito kami sa loob ng kwarto n'ya at nandito rin ang crib ni Yusef. Sobrang lamig nga ng kwarto n'ya dahil split type ang aircon. Yayamanin talaga ang ungas.

"Sinong nagsabi na pambata ang paglalaro ng tic tac toe ni Terrence Sy?" tanong n'ya at hinatak ako para maupo sa malambot n'yang kama.

"Ano bang kasing laro 'yan ni Terrence Sy? Anong meron sa tic tac toe ng isang Terrence Sy?" tanong ko at napangisi s'ya.

"The one will lose will remove a thing from his or her body." he said at napataas ang kilay ko, "Also, he or she will drink a glass of beer." he said at feeling ko ay hindi naman ako dehado.

"So, gusto mo pala akong hubaran?" tanong ako at tumawa s'ya.

"Parang ganun na nga.." he said and then laughed. Kinuha ko ang unan at pinaghahampas s'ya.

"Bakit hindi mo na lang sinabing gusto mo akong hubaran?!" tanong ako at tinawanan n'ya ako.

"Baka sabihin mo kasi ang direct to the point ko?" he said and chuckled.

"Prepared na prepared ka talaga ano?! May beer talaga sa ref mo?!" tanong ko habang kinukuha n'ya ang red horse stallion doon sa mini fridge n'ya.

"Naku nga, kung alam ko lang, sabik na sabik ka rin makita ang katawan ko." natatawang sabi n'ya at binato ko s'ya ng unan.

"Asa ka! Baka ikaw!" sagot ko, "Patay na patay ka siguro makita ang katawan ko 'no?! Dinadaan mo pa ako sa isang game na 'yan, napakamanyak mo talaga!" sigaw ko at tinawanan n'ya lang ako.

"Siguro may kati ka sa balat kaya takot na takot ka?" tanong n'ya at nagsalubong ang kilay ko, "Siguro kaya ayaw mo sa game ko kasi dehado ka ano? Siguro kadiri 'yang balat mo? Ew, sobrang unfair naman kasi ang flawless ko..." he said at pinagsusuntok ko s'ya sa inis.

"Ikaw pa ang may ganang manglait! Aba hoy! Kahit hindi ako nagpapaderma kagaya mo ay napakakinis ko!" pagmamalaki ko.

"Weh? Patingin nga!" sabi n'ya ng natatawa.

"Gago!"

"Pangit!" sagot n'ya.

"Hukluban!" sigaw ko.

"Burog!"

"Wala sabi akong burog!!!" sigaw ko sa mukha n'ya at nagtakip s'ya ng tainga. "Nasaan na ang board mo at maglaro na tayo?!" sabi ko at tumawa muna s'a bago kuhanin ang isang ipad. "Pabida ka talaga! Bakit ipad 'yan?!" tanong ko.

"Wala akong papel." sagot n'ya habang ini-on ito.

"Marami ka kayang papel!" itinuro ko ang book shelves n'ya.

"Ano ba? Pagtatalunan pa ba natin 'to? Ayaw mo ba maglaro? Sabihin mo lang. Ayaw mo sa ipad?" tanong n'ya at tumango ako, "Saan ba gusto mong isulat? Sa abs ko?" natatawang sabi n'ya.

My Greatest Downfall (Published under Summit Media)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon