Chapter 10: Escaped

915K 31.4K 2.3K
                                                  

Chapter 10: Escaped

I should never let myself feel what the old me feels. Ano bang kailangan kong gawin para makaalis sa lugar na ito? I can't stay any longer in this illusion. Napatingin ako kay Lucas na nasa harap ko. Bigla siyang ngumiti. Noong oras na yon bigla nanamang umikot ang paligid. Nasusuka na talaga ako. This whole spinning thing is making me so damn sick.

"Darating ang araw na makakatapak ako dyan."

I heard Lucas' voice once again. Pero ayoko ng dumilat. Masyadong masama ang pakiramdam ko para dumilat.

"Ano kayang ginagawa nila sa mga oras na ito, ano?"

Sandali— familiar sa akin ang usapan na ito. Binuksan ko ang mga mata ko at nakita kung nasaan kami. Sa isang burol. Sa burol sa labas ng bayan. Pinagmasdan ko kung saan nakaharap si Lucas. Ang Titan Academy.

Humarap sa akin si Lucas. Nakangiti siya. "Shia, anong pakiramdam ng isang estudyante ng Titan?"

Natigilan ako sa tanong niya. He is not supposed to say those words. Pinagmasdan kong mabuti ang nakangiti niyang mukha. There is something strange in the way he smiles. Victoria is altering my memory. That bitch.

"Bakit hindi mo sabihin, Shia? Ano ang pakiramdam na maging estudyante ng Titan? Ang paaralan na pinangarap ko?"

Alam kong hindi dapat ako makinig sa mga sinasabi niya. This is only an illusion. But my mouth suddenly went dry. Hindi ko alam kung bakit pero naaapektuhan ako sa sinabi niya. Minsan ng sumagi sa isip ko ang bagay na ito. Ako ang nakakuha ng pangarap ni Lucas.

Hindi ako sumagot. Pinili kong tumayo mula sa burol at lumayo mula sa kanya. Hindi ko alam kung saan pupunta. Pero mas mabuti ng lumayo kesa marinig ang mga sinasabi niya.

"Saan ka pupunta, Shia?" tanong niya. "Iiwan mo nanaman ba ako?"

Hindi ko masyadong napansin ang huling sinabi ni Lucas dahil isang bagay ang naramdaman ko mula sa mga palad ko. Isang malamig na metal. Napatingin ako doon at hindi nakapagsalita. Isang dagger ang nasa kamay ko. Bigla akong napatingin kay Lucas at pabalik sa dagger na nasa kamay ko. Para saan ito?

'If you and your past became one, you will forever be stuck. For you to get out, you need to break the thing that keeps you from staying.'

Kumunot ang noo ko dahil sa mga salitang biglang pumasok sa isip ko. Sandali—

"Shia?"

Bumalik ang attention ko kay Lucas. Unti unting nag sink in sa akin ang narinig ko. Biglang nanlamig ang mga kamay ko na hawak ang dagger. Si Lucas ba ang rason kaya hindi ako makalabas dito?

"May problema ba, Shia?"

Nagsimulang mag alala ang mukha ni Lucas. Ang boses niya, kung paano siya magsalita, ang mga ngiti niya— Kaya ko ba? Napahawak ako ng mahigpit sa handle ng dagger. You need to break the thing that keeps you from staying.

Humakbang ako palapit sa kanya. I have to do this. This is an illusion. Kailangan kong makaligtas. Hindi gumalaw si Lucas mula sa kinatatayuan niya. Nilabas ko ang dagger mula sa likod ko. Pero mabilis ko itong muling tinago nang magsalita ulit si Lucas.

"Shia, kahit anong mangyari, nandito ako. Tandaan mo yan."

Biglang akong nanghina sa narinig ko. Hindi ko na alam kung ano ang paniniwalaan ko. Nanginginig na ang mga kamay ko habang hawak ang dagger. Alam kong hindi totoo ang lahat ng ito. Pero bakit nasasaktan ako ng ganito?

I shake my head. Don't be stupid, Shia. Sandali akong pumikit para magfocus. Dahil hindi ko alam kung kakayanin ko ang mga susunod kong gagawin. Muli kong nilabas ang dagger. Ngayon maging si Lucas ay nakita na ang hawak ko. Huminga ako ng malalim. Hindi parin gumagalaw si Lucas. Marahan siyang ngumiti habang pinagmamasdan ako. And that made this thing a lot more painful. Kaya ko bang ibaon ang patalim na ito sa dibdib niya?

Titan Academy of Special Abilities (Published under Cloak Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon