Special Chapter: Drake Tyler Christmas Gift

147K 2.5K 206

Special Chapter: Drake Tyler Christmas Gift

"Panay na raw ang iyak ni Tyler sa bahay." Sabi ko kay Drake ngayong ngiting ngiti sa pagmamaneho. Iniwan kasi muna namin si Tyler kay Manang para sa birthday at Christmas gift namin sakanya.

"It's alright, Sweetheart. Matutuwa naman siya kapag nakita na niya ang baby sister niya." Sagot ni Drake saakin, ngumiti ako at pinagmasdan kong mabuti ang napaka cute na si baby Althea.

Halos tatlong buwan din ang ginawa naming pag aasikaso ng mga papers para maging legal lahat ng pag-adopt namin sa bata. Five months na ngayon si Althea, at sa House of an Angel namin siya nakita ni Drake. Doon kasi kami itinuro ni Kyle dahil mahilig siyang tumulong sa mga charity lalo na sa mga bata, at naikwento saamin ng isang madre doon na iniwan nalang sa tapat ng gate nila si Althea. Halos magkangisian pa nga kami ni Drake dahil parang teleserye ang buhay ni Althea kahit na napaka bata pa lamang niya.

Althea Lauren Cortezano, yan ang ibinigay na pangalan ni Drake sakanya. Buong akala ko ay baliwala lang sa asawa ko ang lahat ng ito, pero nang makita ko ang saya sa mga mata niya nang sa wakas ay natapos na ang mga papers na inasikaso naman ay hindi mababayaran ng kahit anong halaga.

Ang puti puti ni Althea at namumula ang kanyang talampakan sa sobrang lamig.

"Oh my gosh!" Hiyaw ko nang makita kong walang tigil sa pag iyak si Tyler doon sa may gate ng bahay, pilit na siyang pinapapasok ni Manang pero pulang pula  na ang kanyang mukha sa kakaiyak at mas lalo siyang nagwala nang makita niya ang sasakyan ng Daddy niya na papasok na sa loob.

Naunang bumaba si Drake at mabilis na tusmakbo si Tyler sakanya at kumarga! Panay naman ang halakhak ni Drake at pagmumura ng dimples niya, buhat niya si Tyler nang umikot siya sa harapan upang pagbuksan kami ng pintuan ni Althea na ngayon ay tulog na tulog.

"Namiss mo ba ang Mommy at Daddy?" Pilyang tanong ko kay Tyler na ngayon ay singhot ng singhot dahil sa pagkakaiyak, panay ang din ang pagmumura ng dimples niya sa tuwing kinakagat niya ang labi niya. Napatingin siya kay Althea.

"Mom..Mommy, baby?" Humihikbi pa rin siya hanggang ngayon kahit na tapos na siyang umiyak, ang sarap sarap sa pakiramdam na makita ang bawat reaksyon ng anak ko. Ngumiti ako at lumapit ako sakanya upang halikan sa pisngi ang anak ko.

"Baby sister, diba gusto mo ng baby?" Ngiting ngiting sabi ko sakanya, niyaya na ako ni Drake na pumasok sa loob dahil masyado nang malamig dito sa labas at mas nagpapalamig pa ang malakas na hampas ng alon mula sa dagat.

Mag aanim na taon na bukas si Tyler, at sa anim na taon na iyon ay tahimik at masaya kaming naninirahan pa rin dito sa Zambales. Kahit na malayo ang binibiyahe ni Drake patungong Manila para sa trabaho ay nakakaya niya pa rin.

Inihiga ko si Althea sa gitna ng kama namin ni Drake, gumapang si Tyler patungo sa magiging kapatid at halos hindi ko maipaliwanag ang pagkamangha sa mukha niya. Tumabi saakin si Drake at niyakap ako mula sa tagiliran ko.

"Tignan mo yung reaction niya Sweetheart." Natatawang bulong saakin ni Drake, dahan dahan sa paghawak ng mukha ni Tyler na para bang natatakot siyang baka umiyak ito. Hinawakan niya ang maliit na kamay ni Althea na naging dahilan para magising ito at umiyak!

Napapitlag sa gulat si Tyler at halos magkandahulog sa kama para lang makalapit kay Drake!

Panay ang ngisi ko nang binuhat ko si Althea at pinatahan ko sa pag iyak. "Mommy! I don't like her!" Sigaw ni Tyler na nagpabilog sa mata ko, kumunot ang noo ni Drake atsaka iniharap sakanya ang anak.

"Akala ko ba gusto mo ng baby sister?" Usisa ni Drake sakanya, ngumuso si Tyler atsaka tumango.

"And? Bakit ayaw mo kay baby Althea?" Suway ni Drake sakanya, pinandilatan ko siya ng mata dahil alam kong papagalitan nanaman niya yung bata, umiling siya saakin at muling tinignan si Tyler.

Just Fall In Love Again (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!