Epilogue

185 21 31
                                    

She clearly have feelings for me.

 

 

I mean, may be not that romantically yet. But I can feel that somehow, her perspective of me changed.

 

 

Hindi na siya dull makipag-usap. Kahit na minumura niya pa rin ako madalas, nakikipag-usap na siya sa akin ng matino. Nagagawa na nga niya akong ngitian. Sumasagot na rin siya sa mga tanong ko kung kumain na ba siya o hindi pa.

 

 

And that Christmas? That was perfect.

 

 

Pinayagan niya akong tumawag sa kaniya para batiin ko siya noong Christmas Evening. Pati na rin noong New Year's Eve. I can say that this year is for me.

 

 

Sana.

 

 

I ordered something for her as a Christmas gift at pinadala ko sa kanila. Malamang sa malamang ay nagulat siya nang dumating 'yon sa kanila.

 

 

Balak ko sanang ibigay sa kaniya ng personal noong pumunta ako sa Ortigas kaso ay hindi pa dumadating.

 

 

It's just a simple pull over, and I hope she liked it.

 

 

Binati naman niya ako ng 'Merry Christmas' noong pasko at 'Happy New Year' noong bagong taon at okay na ako doon kahit walang regalo.

 

 

Duh? Ikaw kaya payagan ni Gilliana Marie Elchico na wala pang naging boyfriend ever since birth? Malamang sa malamang ipagpapasalamat mo na 'yun habang buhay!

 

 

At syempre, yung simpleng pagbati niya ay sobra-sobra nang pambawi sa pambabasted niya sa akin last year!

 

 

Oo, nagtanim talaga ako ng sama ng loob sa kaniya. Kaya pakiramdam ko, lahat ng bagay na ginagawa niya para sa akin ay pampawi ng hinanakit ko. Ayon, marupok kaya ngayon ay patay na patay na naman sa kaniya.

 

 

Nalaman ko kay Lea na natatakot yung mga lalaki kay Gilliana na ligawan siya, baka raw bugbugin lang niya kapag umamin.

 

 

Well, well, well... Ako lang ata ang naglakas ng loob na subukan itong babaeng ito. Nabasted man nung una pero 'never say die' para sa kaniya!!!

 

 

But seriously, being with Gilliana and knowing the story behind her strong and brave facade through Lea and having a chance to be with her taught me a lot of things.

To Win You (Pamantasan Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon