Chapter 30

5.8K 128 0
                                    

Jema's POV

Kainis sila! Hindi ako pinapansin ni Deanna tapos nagawa pa niyang lumandi sa iba!

Bumalik na lang ako sa room namin at nagshower. Pagkatapos ay nagpahinga lang ako saglit nang biglang dumating sina Ate Jia, Kyla at Ate Ly.

"Jems, dito ka lang. Shower lang kami tapos sabay-sabay na lang tayong pumunta dun." Sabi niya sabay pasok ng cr.

Pagkatapos ni Ate Jia sumunod si Ate Ly tapos si Kyla.

"Bakit ka nga pala nagwalk out kanina?" Tanong sakin ni Ate Ly na nagpapatuyo ng buhok.

"HAHAH nagselos yan Aly." Si Ate Jia ang sumagot.

"Luhh hindi ah." Tanggi ko naman. Well honestly, oo nagseselos ako. Pero may karapatan ba ako? Wala.

"Asusss. Todo tanggi ka pa Mare. Eh yung mukha mo nga kanina hindi na maipinta e HAHAHA!" Napatingin kami kay Kyla na kakalabas lang ng cr.

"Ewan ko sayo Atienza." Walang gana kong sagot sa kanya sabay irap.

"Wag kang mag-alala, babawi sayo si baby Deans." Sabi ni Ate Ly sabay kindat. Huh? Anong ibig niyang sabihin?

"What do you mean Ate Ly?" Tanong ko.

"Makikita mo rin mamaya." Sagot ni Kyla. Ano ba yan! Bakit ganyan silang kausap! Wala akong makuhang maayos na sagot.

"Tara naaaa!" Bigla akong hinila ni Kyla palabas. Medyo madilim na rin. Mas lalong dumilim dahil may nilagay silang blindfold sa mata ko.

"Anong ginagawa niyo?!" Pilit kong tinatanggal yung blindfold pero ang dami nang nakahawak sakin.

"Just trust us Jema. Suotin mo na lang yan." Boses ni Maddie yun ah.

"Oo nga, pasasalamatan mo din kami pagkatapos nito." Boses naman ni Ponggay ang narinig ko. Wala naman akong nagawa kundi sumunod sa mga sinabi nila.

"Let's go. Don't worry, aalalayan ka namin Jems." Sabi naman ni Ate Jia. Dahan-dahan naman kaming maglakad. Hindi ko alam pero parang medyo malayo ata yung nilakad namin.

"Dito ka lang." Bigla na lang nawala yung mga nakahawak pero ramdam kong nakapaligid sila sakin. Nagstay naman ako sa kinatatayuan ko nang may tumutugtog ng gitara. Kasabay nun ay ang pagtanggal nila ang blindfold ko.

Maraming petals sa buhangin, ang romantic. May tables and chairs din at ang nakakuha talaga ng atensyon ko ay si Deanna na tumutugtog ng gitara.

(N/P: Can't Help Falling In Love With You)

Wise men say
Only fools rush in
But I can't help falling in love with you

Nakatitig pa rin ako sa kanya habang dahan-dahan siyang palapit sakin.

Shall I stay?
Would it be a sin
If I can't help falling in love with you?

Like a river flows
Surely to the sea
Darling, so it goes
Some things are meant to be
Take my hand
Take my whole life too
For I can't help falling in love with you

Bigla na lang tumulo ang mga luha ko.

Like a river flows
Surely to the sea
Darling, so it goes
Some things are meant to be
Take my hand
Take my whole life too
For I can't help falling in love with you
For I can't help falling in love with you

"Jessica, we've been through a lot of problems but we chose to understand each other." Binitawan niya ang gitara at may kinuhang bulaklak. "I'm sorry kung nasaktan at iniwan kita ng limang buwan but it doesn't mean na hindi na kita mahal. Ikaw pa rin Margarett. Hanggang ngayon."

Lumabas ang iba sa mga teammates niya na may dalang bola at may nakasulat dun.

Lumuhod naman si Deanna. "For the second time Jema, will you be my girlfriend, again?"

"Ang drama mo Wong! Syempre naman!" Para akong baliw. Natatawa ako na naiiyak.

"Yessss!!"

"Successful yung plan."

"Sana all."

Bulungan nila at niyakap naman ako ni Deanna. Niyakap ko rin siya pabalik. "I love you Jessica."

"I love you too Deanna." Our hug lasted for a minute hanggang sa siya na ang kumalas sa pagkakayakap. Binigay niya yung flowers sakin at may kinuha sa bulsa niya.

"Suotin mo ito lagi para malaman ng ibang tao na property na kita." Sinuot niya ang isang necklace na may pendant na 'D'. "And of course meron din ako." Sabay pakita niya sakin ng necklace din na may pendant na 'J'.

"Hoy! Mamaya na yan. Nagugutom na kami!" Sigaw samin ni Ponggay.

"Panira ka ng moment Pongs! Tara na nga." Natawa na lang ako sa kakulitan ng dalawang to. Naupo na kami at may nagserve naman ng pagkain.

Natapos yung dinner ng masaya. Pero may nakalimutan ako, yung planong sinabi nila! Kaya bago pa kami maghiwa-hiwalay, nagtanong na ako habang magkakasama pa kami.

"Ano pala yung sinabi niyong 'successful ang plano'?" Taas kilay kong tanong sa kanila. Nagkatinginan naman sila. Makahulugang tingin at nagtawanan.

"Hoy! Nagtatanong ako!" Inis kong sabi sa kanila.

"HAHAH si Wongskie itanong mo. Siya may pakana." Turo ni Ponggay kay Deanna.

"Anong ako? Sila Ate Bei kaya ang nakaisip nun." Turo naman niya kina Bea na napatigil sa pagtatawanan. Tinaasan ko naman siya ng kilay.

Sinabi naman nila yung nasabing plano.

"Ang dami niyong alam." Sabay irap ko sa kanila. "Teka, so hindi kasama sa plano niyo yung pagkakahulog ni Ysa?" Tanong ko ulit sa kanila kaya napatingin silang lahat kay Ysa na tahimik lang.

"Lagottt."

"Explain hahaha."

"Naku po Jimenez."

"Ah oo e. Pasensya ka na. That's not my intention promise. Nadulas kasi ako kaya ayun." Kamot-batok niyang sagot kaya napahinga na lang ako ng malalim.

"Hay osige sige. Basta ayoko nang mauulit yun." Sabi ko at tumango naman siya.

Bumalik na kami sa kanya-kanyang kwarto pero itong si Deanna, nagpumilit pang ihatid ako.

"I hope you enjoyed your last night here." Sabi niya atsaka ako niyakap.

"Oo naman. Sinong hindi mag-eenjoy e ang dami mong paandar." Kumalas naman siya sa pagkakayakap at hinawakan ang magkabilang pisngi ko.

"Anything for you My Queen." At hinalikan ako sa noo.

"Sige na. Bumalik ka na sa kwarto niyo. Good night."

"Good night. I love you."

"I love you too."

A VolleyLife With You Where stories live. Discover now