Chapter 1Hacienda
How can he act as if we didn't have a thing before? Okay, a thing is an exaggeration. Pero totoo, parang may something kami noon. I was younger, but of course, I still know my feelings. I was also aware... that there was something between us. Tinuldukan niya lang talaga noon.
Alice: @Corseanne, thank you for the sketches! Nakapili na kami. Next month pa naman ang submission pero nanghihingi na kasi sila ng sketch ng damit.
Ako: You're welcome po.
Everyone saw my message except for one member of the group. The Elãzar Caspian Eliguorez. The grumpy one. Rinig ko may dugo raw Portuguese ang isang 'yon. Explains his eyes and the thickness of his eyebrows and eyelashes.
Hmm, Caspian? Sounds girly. But isn't Eli girlier? Iyon kasi ang nakalagay na nickname sa Facebook niya. All I thought Eli is his first name. Galing pala sa last name niya ang nickname na 'yon..
Hindi ko siya crush, a! I was only intrigued by his attitude. Imagine having a fabulous face only ruined by your attitude. Gwapo talaga siya. Kaso nga... parang ang pangit ng ugali!
"Sabi ni Mommy, they had a medical mission in Tondo, Manila. They were culture shocked. May nagsaksakan daw, hayun, diretso gamot..."
Another boring class as an high school student. Sa totoo lang, hindi naman ang mga lessons ang matatandaan namin, e. Iyong mga magagandang ala-ala kasama ang mga high school friends. Iyon talaga ang tatatak.
Nakikinig lang ako kay Terry at Seth. Ays was writing a song. As usual!
"Buti at hindi kami sa tondo nalipat! Grabe pala ang mga tao roon?" It was Seth.
"Yup! Pero sabi naman ng pinsan ko, wala pa naman daw siyang nakitang gano'n na nangyari," dagdag ni Terry. "Kaya baka hindi sa lahat ng sulok ay gano'n..."
"Baka binulag na siya?" comcerned na sabi ni Seth na nagpaingay sa amin. Buti na lang nasa dulo kami ng classroom.
I bursted into laughter. Natawa rin nang kaunti si Ays.
"Ewan ko, sa'yo, Seth!" si Terry. "Sana sa Tondo kayo nalipat!" tawang-tawa rin si Terry.
"Kung doon kami nalipat, siyempre 'di ako papaapi. Mas magandang ako ang nananaksak kaysa ako ang masaksak!"
Nagulat si Terry nang bigla na lang umatake si Seth sa tagiliran niya. It was a fake attack but we were startled by it. Biglaan kasi.
I was busy laughing when I saw Ate Alice on the window, waving. I sighed and stood up. Binalingan ako ni Ays.
"Just about the org. Parang gusto ko nang sumali..." I lied.
"Sali mo kaya kami para magkakasama tayo?" Seth joked. "Boring dito sa room, eh. Wala naman kasi akong crush dito."
Paglabas ko, ngumit kaagad sila. I smiled politely too.
"May class ka?"
Umiling ako. "1:30 pa po..." sabay tingin ko sa watch ko. 12:40 pa lang. Halos katatapos lang din namin mag-lunch.
"Pwede tara sa room?" she pouted. "Bibili na kasi kami ng materials this weekend. Hindi namin alam yung materials na pwede sa ginawa mong design..."
Siyempre pumayag ako. Bayad ako rito, pero parang output ko na 'to dahil sa mga contributions ko, a?
Pagpasok namin sa classroom nila, kaonti pa ang mga estudyante. Lima nga lang... at wala si Eli.
Ba't kasi hinahanap? Susungitan lang din naman.
