56

89.4K 2.1K 119
                                    

FB : Xianrandal

Twitter: @XianRandal

FB Group: X.i.a.n.a.t.i.c.s. (may tuldok)

56

“Ano ka bang bata ka, halatang natataranta ka.” Mabuti at dumating agad ang Mamang at Papang niya, parating na rin ang mga magulang ni Kathryn. Nakuha niya na rin ng tama ang mga gamit ng mga bata at ng asawa, nakapagpalit na rin siya ng maayos na sapin sa paa.

“Hayaan mo na, ako nga rin kahit sa bunso natin nataranta pa rin ako.” Pagtatanggol ng Papang niya.

“Mamang naman kasi, first time ko maging mudra, wiz ko knows na ganito pala, nakaka shokot na nakakaexcite na nakakatarantabells.”

“Umayos kang bata ka, nasa hospital tayo, makukurot kita sa singit.”

“Elvin, iba na ang sitwasyon ngayon, alalahanin mong may bago kang responsibilidad, hindi ganun kadali, kailangang panindigan mo ang pagiging isang ama.”

Napakamot na lang ng ulo si Elvin. “Yes Mang, Pang.”

Hinihintay na lamang nila ang signal ng doctor kung kailan makikita si Kathryn at ang kanyang kambal. Maya-maya pa ay dumating na ang mga magulang ng asawa.  Kung sana ay pinayagan lamang siya ni Kathryn na samahan ito sa delivery room, sana ay nandun na siya, kaso ayaw raw nitong makita siya na pumapangit sa kaka-ire sa mga junakis nila.

Sana pinilit na lang niya ang Joana Paras niya, mas nakaka tense kasing mag-antay sa labas ng delivery room at nag-iimagine siya ng kung anu-ano.

Nung lumabas ang doctor ay literal na napalundag siya.

“Congratulations, Mr. Fernandez, you got healthy twins! And your wife is so lucky to deliver them normally.”

“OM…” Napatigil siya. OMG sana kaso naalala niyang hindi siya nag-iisa, at isa siyang barako, huminga siya ng malalim saka kalmadong kinamayan ang doctor. “Thank you, Doc. Pwede ko na po bang makita ang asawa ko? Kumusta na po siya?”

“She’s perfectly okay. Ililipat na naming siya sa kanyang private room. May instructions akong iniwan sa nurse.”

*************************

Inasikaso ng mga magulang nila ang kambal na kailangan munang ilipat sa nursery room (tama ba to?), gamot at ilang gamit pa na kakailanganin ng mag-iina niya. Siya ang nakatoka kay Kathryn.

“Sinta.” Mahinang tawag ni Kathryn sa kanya. Nangiti si Elvin nung makitang gising na ang asawa.

“Kumusta ang pakiramdam, Sintas ko?” Nag-aalala niyang tanong.

“Masakit. Alam mo na.” Pinilit niyang ngumiti. Sa tabi nito ay ang nurse na nag-aasikaso sa kanya. “Nasaan ang mga anak natin? Kumusta sila? Nakita mo na ba? Sinong kamukha?” Sunud-sunod na tanong nito.

Tumingin siya sa nurse. “Sir, Ma’am, babalik po ako mamaya. Congratulations po ulit.”

“Thank you, nurse.” Kumindat pa siya rito na ikinataas ng kilay ni Kathryn.

“Ano yun?”

“Para mag disappear agad, Sintas.” Siniguro nitong naka lock ang pinto saka excited na lumapit sa asawa.

“Thank you, Sintas!” Hinalikan niya ito sa noo, sa pisngi bago sa mga labi.

“Thank you too, Sinta.”

“Grabeh! As in wiz pa rin akembang makapaniwala na pudra at mudra na tayels!” Nagpaypay pa ito ng palad niya. Kanina pa kasi niya pinipigilan ang sarili sa harap ng doctor at ng mga magulang nila. Masayang-masaya siya pero hindi niya gaanong mailabas.

“Sinong kamukha?” Nakangiting tanong ni Kathryn.

“Waley ko pa sila na sight, Sintas, inuna kita, sina Mamang at Papang sa kambal. Pero I’m sure, dahil pareho tayong maganda…ehem, I mean gwapo ako, maganda ka.” (pinalaki pa niya ang boses) Magiging maganda at gwapo rin sila. OMG talaga Sintas! Like is this real? Nakagawa ako ng kyotatalet?” Inilapit pa nito ang mukha niya kay Kathryn. Natatawang piningot ni Kathryn ang kaliwang tenga niya.

“Arayyyy! Sintas! Mahal magpagawa ng tenga. Ouchy!”

“Nasaktan ka, eh di real na real na talaga.” Why is he so adorable?

“Sintas, ang galing mo raw sabi ni Doc, nagbunga ang mga lakad natin at exercise every morning, perfect, normal delivery!”

“Ayoko kayang magka peklat sa tummy ko, eh di hindi na ako makakapag two piece?”

“Two piece your face! Nevah, lalo na sa harap ng mga otoku? No way!”

Ilang sandali pa ay nakarinig na sila ng mga katok. “Full pledge hombre na naman ang peg ko, Sintas.” Sabi pa nito bago binuksan ang pinto.

*************************

Kahit hirap ay pinilit ni Kathryn na puntahan ang kambal sa nursery room para makita ang mga ito at makapag breast feed.  Naiyak siya nung makita ang kambal. Una niyang binuhat si Erynn. Si Elvin naman kay Kael.

“Ang ganda-ganda mo.” Tinignan niya si Kael . “Ang gwapo mo naman, man aka kay Daddy.”

“Naiiyak rin ako, Sintas.” Bulong ni Elvin. “Tutulo na ang luha ko, ayaw papigil.”

“Sira, okay lang ang umiyak, Sintas.”

“Bakit ang swerte-swerte ko , saka, I can’t believe na nabuo natin sila, Sintas.”

Natatawa tuloy ang nurse na nakikinig sa kanila.

“Wait, selfie tayo, Sintas bilis! First family picture.”

“Ako na po, Sir.” Sabi ng nurse.

“Salamat.” Agad na nag pose ang mag-asawa karga ang kanilang kambal.

“Cutieeee! Winner!” Hindi napigilang sabi ni Elvin. Napanganga ang nurse. Kaya agad na binawi ito. “Echos! Misis ko kasi, nakakahawa ang dialogue kung minsan.”

“Ganun po ba? Ang cute nyo nga po, Sir, kaya siguro na in-love si Ma’am sa inyo, kaya ninyong sakyan ang mga trip niya.”

“Ay oo, lahat ng trip niya, make-up, clothes, bags, and shoes!” Pinipigil ni Kathryn ang tawa niya.

“Talaga, bakla po ba kayo?” Walang prenong tanong nito sa kanya.

“Sa tingin mo?”

Lumapit ang nurse kay Elvin.

“Sa tagkad mo, Sir, sa nakikita kong muscles, sa gwapo mong yan, sa tindig…mukhang malabo. Pero kung oo? Ay imposible talaga, may kambal pa kayo. Ma’am, bakla po si Sir?” Parang tanga na tanong niya kay Kathryn.

“Wait, lapag muna natin ang twins, Sintas at may gagawin akembang para wiz na mag duda ang mujer na itey na jokla ako.” Elvin winked at her.

Nung maibalik ang kambal ay agad na hinalikan ni Elvin si Kathryn, sa harap mismo ng nurse. Nung matapos ay tinignan niya ang asawa sa mga mata. “Thank you, Sintas. Ang swerte ko at nakilala kita. I love you.”

“I love you too, Sinta.” Kinikilig na sabi ni Kathryn, worth ang lahat ng hirap at sakit ng panganganak kung ganito ba naman ang asawa mo.

“Ay langgam! Ano ba, pinasok na kami sa sobrang ka sweetan! Ma’am, tapusin na po ninyo ang pagpapa breast feed at naiinggit na ako.” Natatawang sabi ng nurse. “And Sir, hindi ka bakla, dahil kung bakla ka at ganyan ka sweet, malamang nagawa ka ng lalaki ni Ma’am. Parang ang sarap mong humalik Sir!”

“Landi nito.” Bulong ni Kathryn.

“Naman!”

****************************

SABAW. Antok ako buong araw. Kahit limang kape na, antok pa rin.

-Xian-

WHEN A BEKI FALLS IN-LOVE (Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon