"Go! Cole! Go! Ate Dana-" napatigil ako sa pagsigaw at napatingin kay Coco.


"Cole! Baby! Galingan mo! Wooooh!" Malakas na sigaw nito. Narinig ni Cole yung sigaw niya kaya todo ngiti ito.


Kelangan May pa baby Pag nagchecheer? Tsk.


"Galingan mo Danababes! Alabyouuu!" Buong lakas na sigaw ni daryll kaya nagtawanan sila.


"Daig mo pa si jem kung makacheer kay Dana ahh?" Ani ni sheki.


Unti unti na nilang nahahabol ang score. Matutuwa na sana ako dahil may pag asa na silang manalo pero kada nakakascore si Cole kumikindat ito sa gawi ni Coleen.


tangna. Nakakanginig ng dugo.


"Ang saya siguro maging player tas Ichecheer ka ng jowa mo no?" Rinig kong sabi ni ate lara na nasa tabi ko na pala.


"Oonga."

Dati rin akong volleyball player pero pinatigil ako ng parents ko dahil kelangan ko daw mag focus sa acads. Kaya nawalan na rin ako ng interest sa sports.


Si Coleen naman mahilig siyang manood ng Volleyball. Lagi niya rin sinasabi na sobrang hirap daw para sa kaniya ng volleyball kaya hangang hanga siya sa mga volleyball player tulad ni Cole.



Natural lang bang magselos pag may ibang taong hinahangaan girlfriend mo?


Minsan napapaisip ako bakit ako napili niya. Samantalang na kay Cole na lahat ng gusto niya.


"Mabait."

Mabait rin naman ako though.

"Maalaga."

Maalaga rin kaya ako.


"Matangkad."

Di kasing tangkad ni Cole pero atleast mas matangkad ako kay Coleen


"Loyal."

No comment.




Natawa na lang ako bigla, di ko namalayan kinukumpara ko na pala sarili ko sa iba.


Nabalik ako wisyo ng biglang lumakas ang sigawan. nahabol na pala nila yung score at Lamang na rin pala sila.


3 - 2 ang naging score at nanalo nga sila.

naghihiyawan sa saya ang mga nanonood. Nagsi takbuhan ang mga ate pababa ng Court para sugudin ng yakap sila ate Dana at Cole. Sumunod na rin ako para i congratulate sila.

"Congrat babe!" Sabi ni ate jem kaya naghiyawan kami sa kilig.

"Congrat! Coleeee!"

"Congrats teh Dana!"


Di na ko makalapit dahil masyadong maraming bumabati sa kanila.

"Congrat my Cole! Ginalingan mo talga Ahh." Sabi ni Coleen habang nakahawak sa dalawang balikat ni cole.

"Syempre rinig na rinig ko kaya cheer mo." Ngiting sagot naman nito.


Nice! Bagay sila,


Salamat na lang sa lahat, charot.



"Libree! Libre! Libre mo kame!" Sigaw ni daryll pati ni brei.

"Sangyup! Samgyup!" Sumali na sa sigaw ni ate abby at ate sheki.


"Stay with me" Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora