She smiled weekly. "Hindi naman siguro masama ang sumuko hindi ba?"

Natahimik ako. Hindi ko alam ang dapat na sabihin sa kanya. "And besides, bago ako sumuko, lumaban ako. Pinaglaban ko kung anong meron sa aming dalawa ni Larisa." she paused. "Paulit-ulit akong lumaban, kahit na paulit-ulit din akong nasusugatan." nakangiting dagdag niya.

"Pero mahal mo siya." mahinang tugon ko

"Oo naman Pen. Mahal ko siya. Pero kasi, wala namang magagawa ang pagmamahal ko, kung siya mismo, bumitaw na."

Napakagat labi ako. Damn! Ang sakit nun. "Love is ain't enough Penelope, kung sa isang relasyon isa lang ang nagmamahal." napahinga pa siya ng malalim. "Sobrang sakit para sa'kin ang pakawalan siya. Pero mas masakit, kung makikita kong hindi siya masaya sa piling ko diba. Ayaw ko namang maging selfish. Ayaw kong masaya ako, habang siya pinipilit na maging masaya sa piling ko."

Napaiwas ako ng tingin para hindi makita ang malungkot niyang mata. Sa aming magpipinsan, si Dike ang may pinaka magandang mata. Turquoise eyes na namana niya sa lola namin. Bukod tanging siya lang ang nakamana ng kulay ng mata na 'yun.

"Isa lang naman ang gusto ko Penelope, 'yun ang maging masaya siya. At alam kong kahit kailan, hindi na ako magiging dahilan ng ngiti niya." she smiled weekly.

"Pero... hindi ka masaya, nasasaktan ka." sagot ko

She looked at me. At doon ko nakita ang luhang pumatak mula sa mga mata niya. "Kahit sino naman, hindi magiging masaya kung pakakawalan mo ang taong mahal mo diba, basta ang mahalaga para sa'kin, kasiyahan niya. Makita ko lang na masaya siya, okay na ko dun. Sapat na kasi 'yun."

"Dike."

"Alam mo bang, pangarap kong makasama siya habang buhay?"

Napahinga ako ng malalim. Syempre, alam ko. Alam na alam ko. "Ang pangarap kong iyon, ay habang buhay na pangarap na lang." dagdag niya

Napaiwas ako ng tingin. Oh my gosh. Ang sakit nun. Kakainis. Nadadala ako.

"Penelope." she called me

Mabilis akong napatingin sa kanya. "Bakit?" tanong ko

she staring intently at me. "Mahal mo si Odysseus, hindi ba?"

Napalunok ako. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kaba. "Oo naman." kinakabahang tanong ko.

She nodded slowly. "Pano kung, bumalik na ang taong matagal mo ng hinihintay?" seryosong tanong niya

I froze. I fucking froze. My heart skips a beat. Hindi ko alam kung anong salita ang nababagay na sabihin sa kanya. Buhat ng dumating si Odysseus sa buhay ko, hindi ko na inisip ang taong matagal ng nawala.

"W-what do you mean?" nauutal kong tanong

She smiled. "Nothing."

Magsasalita pa sana ko ng biglang sumingit si Selene. "Tara na kumain! Nagugutom na talaga ko!" impit na sigaw niya

Napairap ako. Puro pagkain ang alam. Tss. Wala kaming nagawa kundi ang sumunod na nga lang. At tama nga ang bruha, talagang niyaya pa niya ang iba naming kaibigan.

"Let's go. Nagke-crave talaga ako." sambit niya

Tinext ko lang saglit si Odysseus na hindi ako makakasabay sa kanya sa pagkain. Baka kasi magtampo ang isang 'yun. Napangiti ako sa loob loob ko, ang cute pa naman niyang magtampo. Parang batang inagawan ng candy.

MistakeWhere stories live. Discover now