Chapter 39

709 15 0
                                    


"Ha?!!" gilalas na sambit niya. Salubong ang kilay na niyuko niya angs arili.

Natatawang napapailing naman sina Darrell at Marie na napalabas ng bahay dahil sa pagsigaw ni Jing-jing. Tila naaaliw pa ang mga ito sa halatang pandidiri ng dalaga sa kanya gayong 'di naman siya pawisan at paboritong pabango pa nito para sa kanya ang suot niya.

"Ihatid mo na nga 'ko sa bahay namin. Tinataamd na kaong mag-drive. Pero pwede bang maligo ka muna doon kina Marie? Alisin mo muna 'yang pabango mo. Sumasakit ang ulo ko sa amoy," animo ipu-ipo sa bilis ang pagbabago ng isip ni Jing-jing.

Ikinatuwa man niya iyon ay hindi rin niya maiwasang magduda. Pero bago pa ulit magbago ng desisyon ang dalaga ay pumasok na siya sa bahay para mag-shower at nang maalis ang amoy ng pabango niya. Pero dagli rin niyang naisip na posibleng pagdadahilan lang iyon ni Jing-jing. Malamang iniisip nitong tumakas pagpasok niya sa bathroom. Kaya binalikan niya ang dalaga at hinatak pasunod sa kanya. Nagpupumiglas naman ito kaya pinangko na niya ito.

"Kuya Bell!" saway ni Marie.

"Hindi siya pwedeng umalis. Kailangan naming mag-usap," mariing sabi niya.

"Bitawan mo ako, Bell! Ibaba mo ako!! Ano ba!! Nahihilo ako, Bell!!"

"Jing-jing! Bakit? Ano'ng nangyari?!" nag-aalalang usisa niya.

"N-Nasusuka ako..." natatarantang na nagpalinga-linga ito. Agad na dinala niya ito sa toilet and bathroom.


"Buntis ka?!!" malakas na sigaw ni Bell na ikinagitla ni Jing-jing. Nang lingunin niya ang binata ay nabasa niya ang kagalakan na may halong takot sa anyo ni Bell habang nakatitig sa kanya.

Saglit na pinag-isipan ni Jing-jing kung itatanggi ang kalagayan niya pero sa huli, naisip niyang wala ring saysay na tumanggi pa siya.

"Hindi mo itatanong kung sino ang ama?! Hindi mo itatanong sa kain kung baka si Darrell ang ama ng anak ko?!" paasik na tanong ng dalaga.

"Jing-jing..." sambit nito na napuno ng pagsisisi at pagkapahiya ang anyo. Isang mahabang buntung-hininga ang pinakawalan nito. "Alam kong ako ang ama ng bata, Jing-jing. Karapatan niyang makilala ako bilang ama niya. Hindi naman siguro tama na siya ang pagbayarin mo sa kasalanan at kagaguhan ko. Kailangan nating magpakasal sa lalong madaling panahon. Kailangan ng anak ko ang apelyido ko."

"Hindi kailangan ng anak ko ang apelyido mo at hindi ako magpapakasal sa iyo! Never! Never ako magpapakasal sa 'yo, Alexander Graham Bell!!!" mariin at puno ng kumbiksyong pahayag niya.

SILVER BELLES SERIES 2-JING AND BELLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon