Chapter 25

593 12 0
                                    


"Pero, Kuya Bell, paano ka nakakasigurong mahal ka talaga niya? Hindi mo ba naisip na sila ni Darrell---"

Sa puntong iyon ay ubos na ang pasensya ni Bell. Pero mas naunahan siya ni Darrell magsalita.

"Grow up, Marie! Sawang-sawa na akong pinaghinalaan mo! Kaibigan ko lang si Jing-jing! Kahit bago pa tayo magkakilala, hindi ko naisip man lang na ligawan siya!!" paasik na wika ni Darrell. "Kapatid lang ang turing ko sa kanya!" dugtong pa nito na ikina-arko ng kilay ni Bell. Napasulyap siya kay Jing-jing na inarkuhan din naman siya ng mga kilay. Naalala niyang iyon din ang sinabi ni Jing-jing sa kanya noong isang araw tungkol sa relasyon ng dalaga at ni Darrell.

"Kapatid! May kapatid bang tinatawag mo ang pangalan kapag natutulog ka?! You always text and call her! Imbes na samahan mo ako sa pagsusukat ng wedding gown ko last week, mas pinili mong samahan siya sa Tagaytay!"

Marahas na hinagod ni Darrell ang buhok nito.

"I already told you days before about the plans I had that day, Marie! Libing iyon ng dating kaklase namin sa highschool! Natural nagsabay na kami ni Jing-jing papunta roon! At isa pa, hindi naman talaga ako ang dapat kasama mo ng araw na iyon, di ba? Sabi mo malas na makita ko ang wedding gown mo bago ang kasal!"

"Oo nga. Pero bilang groom ko ikaw dapat---"

Bell has had enough. Kaya naman hinawakan niya ang kamay ni Jing-jing at iginiya ang dalaga patungo sa pinto ng family room. Sinenyasan niya itong tumahimik nang akmang magpoprotesta pa sana ito. Mukhang aliw na aliw at manghang-manghang pinapanood pa kasi ng dalaga ang away at sagutan nina Darrell at Marie.

"Ano ka ba? Ang ganda kaya ng palabas roon. Live drama! Bakit lumabas agad tayo? Halika, balik tayo roon!" nagmamaktol na angal ni Jing-jing.

"Hayaan mo silang ayusin ang problema nila. Let's prepare our dinner."

"Prepare? Ibig sabihin paglulutuin mo pa ako? Akala ko naman pagdating natin dito kakain na lang ako!"

"Don't you know how much people pay me to teach them my special recipes? Umaangal ka pa eh libre na nga kitang tuturuan."

"Aba, natural. Karapatan ko iyon bilang girlfriend mo, 'no."

Biglang napangiti si Bell nang marinig ang pagtawag ni Jing-jing sa sarili nito bilang girlfriend niya. Pero kahit na pinilit niyang ikubli sa dalaga ang natutuwang ngiti niya, mukhang nahagip pa rin ng matalas nitong mga mata ang reaksyon niya. Nanunuksong tinusok siya ng hintuturo nito sa tagiliran.

"Uy! Kinikilig siya! Nakakakilig bang marinig na girlfriend mo na ako? Hah? Kahit fake---"

Maagap niyang itinakip ang palad sa bibig nito. Saka siya luminga sa paligid nila. Inilapit niya ang bibig sa tainga nito at pabulong na sinita ito.

"Don't ever say that word again. Baka may makarinig sa iyo at makarating kina Marie. Don't ever mention that word again when you're talking about our relationship. This is real, everything is real between us, keep that in mind so you won't slip, alright?" anas niya. At dahil hindi niya mapigilan ang sarili, he nuzzled her neck and inhaled her sweet and spicy scent that is quite addicting to him. He lightly kissed her cheek before he pulled away from her.

Gusto niyang mapangisi nang makita ang namumulang mukha ni Jing-jing at nang marinig ang pagbilis ng paghinga nito. Maaari itong tumanggi hanggat gusto nito pero sa tuwina ay ipinagkakanulo naman ito ng sariling katawan nito. Tulad niya, nahihirapan din itong kontrolin ang atraksyong nadarama para sa kanya. He was one step closer to making her truly his.

SILVER BELLES SERIES 2-JING AND BELLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon