IAR [17]

77.6K 2.6K 197
                                    

-17-

BAGO PA ako makapagreact, naglakad papalapit sa 'kin si Brix. Nakatingin siya kaya umiwas ako ng tingin at yumuko. Kinakabahan ako. Nagpapawis na rin ang mga kamay ko, kaya ipinunas ko sa suot na pantalon ang dalawang palad.

Nagtaas lang ako ng tingin nang nakatayo na si Brix sa tapat ko. Kinagat ko ang labi, hindi napigilang mapahikbi. Umiling siya at hinapit ako para yakapin. Hindi ko na napigilan ang humagulhol.

Seriously, Heather. Bakit umiiyak ka na naman?

Hinawakan niya ang ulo ko at hinimas-himas ang buhok ko. Hindi siya nagsalita, pero sunod-sunod ang ginawa niyang pagbuntong-hininga.

"A-Akala ko... P-pero... B-bakit—" Hindi ko matapos ang sasabihin dahil sa panginginig ng katawan at boses ko.

Akala ko okay na ang lahat. Akala ko ako na. Bakit si ate pa rin pala?

"Let's go." Binitiwan ako ni Brix. Pinulot ang cellphone ko at hinawakan ang aking braso. Hindi ako sumunod. Nanatili lang akong nakatayo kaya kumunot ang kanyang noo. "You need to eat, Xhai!"

"Pero, B—" Impit akong napatili nang pangkuin niya ako.

Wala akong ideya kung paano niya ako naipasok sa loob ng kanyang sasakyan nang hindi binibitiwan. Namalayan ko na nasa loob na rin siya, nakahawak sa steering wheel.

"Ang bigat-bigat mo na!" Reklamo niya. Hindi ko napigilan ang mapangiti, kahit pilit. Hindi pa rin siya nagbabago. Madalas siyang magjoke sa tuwing nakakailang na ang atmosphere pero ang mga banat niya naman, halos lahat corny. "Hindi ka na nga kumain pero mabigat ka pa rin?" Sinapak ko ang braso niya. "Namiss kita, Xhai." Napaiwas ako ng tingin. Hinawakan niya ang kamay ko at pinisil iyon. "M-Masakit pa ba?"

Tumingin ako sa rearview mirror. Naalala ko tuloy noong bata pa kami na sa oras na masugatan ako, kahit na si Serg ang may balak na maging doctor, si Brix ang gumagamot sa 'kin. Sa tuwing umiiyak ako siya ang nagsisilbing unan ko. Silang dalawa ni Angel, actually. Kaso si Angel, kapag kinocomfort ako palagi na lang may kasamang sermon. Si Brix, tahimik lang iyan pero never akong iniwan.

Kaya naman ang tawag ko sa kanya "Pain Reliever." Sa tuwing nasasaktan kasi ako kapag lumapit siya, maya-maya okay na ako.

Nakokonsensiya tuloy ako kung bakit iniiwasan ko siya. Hindi ko lang kasi ineexpect na mahal niya ako. Ibinalik ko ang tingin sa kanya. Nakatingin siya sa harapan. Ngayon ko lang napansin na namumula ang kanyang mga mata.

Siguro nga tama si Ate Xyrene at Angel na noon pa lang mahal na ako ni Brix.

Kaso hindi siya p'wede para sa 'kin. Hindi maaari. Masasaktan ko lang siya. Ayoko ring mawala siya. Muli kong hinawakan ang kanyang braso. "Thank you, B. Ikaw talaga ang pain reliever ko kahit ngayong malalaki na tayo."

Madadagdagan pala ang task ko. Hindi lang si Angel ang hahanapan ko ng lalaking magpapatino. Si Brix din, hahanapan ko ng babaeng magmamahal sa kanya nang buong-buo. Alam ko marami sila, kaso gusto ko 'yong mamahalin din niya.

Cliché, pero hindi ako ang deserving para sa kanya.

Pinaandar ni Brix ang sasakyan. "Hindi naman talaga ako ang pain reliever mo. Kasi, kahit ano'ng gawin ko, nasasaktan ka pa rin."

Napatitig ako sa kanya. Sobrang lungkot ng kanyang mga mata. Best friend ko siya. Gusto ko siyang i-comfort. Ngunit paano ko gagawin 'yon ga'yong ako ang mismong dahilan kung bakit siya nasasaktan?

"Dahil kasama kita ngayon, p'wede bang humiram ng ilang oras para mas makasama pa kita nang matagal, Xhai? Hindi ko man mawawala ang lahat ng sakit, pero kahit ako na lang ang magsilbing anesthesia mo. Papamanhidin lang natin ang nararamdaman mo para sumaya ka naman kahit papano."

In a REALationSHIT (Trese Series #1) - PUBLISHED (PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon