Mabilis rin kaming natapos kumain at medyo may oras pa naman kaya naisipan namin na lumabas muna at magpahangin since wala namang quiz na magaganap mamaya at hindi ko rin masyadong napansin si Blake at ang mga kaibigan niya. Siguro'y busy.

Nang papalabas kaming cafeteria ay may mga 'babaeng mababa siguro ang grade 'saming nag-uusap. Kaya naman napantig ang tenga ko roon at hindi sinasadyang napakinggan ang kanilang usapan ng marinig ang pangalan ni Blake.

"Bias naman yung judge 'don! Imposibleng hindi pasado si Blake dahil magaling talaga 'siyang kumanta at maganda ang tugtog nila kanina." anang isang babae na tila galit dahil sa nangyari, napako ang tingin ko sa 'kanila at hindi namamalayang nakikinig na sa pinag-uusapan nila.

"Tama. Kawawa naman si Blake ang alam ko ay gustong gusto talaga niyang makapasok doon kaya naman talaga nag-eensayo sila ng kanyang mga kaibigan at minsan talaga ginagabi sa practice kaya siguradong nasaktan doon si Blake." mas lalong natuon ang pansin ko doon kaya naman halos mapatigil rin ako sa paglalakad at gustong tanungin ang mga nag-uusap kung anong nangyari kay Blake kung hindi lang ako hinila nila Lili at Alma ay 'siguro kanina pa ako tulala doon.

"Hala! Ano kayang nangyari kay Blake." tanong ng katabi kong si Lili dahil siguro'y narinig din ang pinag-uusapan ng mga babae kanina habang si Ramon naman ay nilapitan ang mga kumpol na babaeng pinag-uusapan si Blake.

"Uhmm... Excuse me miss? Anong nangyari kay Blake?" usisang tanong ni Ramon at bahagyang lumapit na rin ako doon dahil kahit ako'y gustong malaman kung anong nangyari.

"Kasi po may audition po para sa paparating na School fair at nagpa audition po sa head kung sino ang pwedeng tumugtog sa school fair." sagot naman ng isa pang babaeng medyo maliit at maikli naman ang buhok kaya naman nakatingin kami sa kanya lahat at muling nalipat ang paningin nang magsalita yung kaninang nagkukwentong mahaba ang buhok at natuon sa kanya ang pansin naming lahat.

"Opo at nag audition po dun si Blake kaya lang hindi po siya natanggap kaya naman malungkot siya kanina at hindi lumabas ng classroom nila kasi po talagang pinaghandaan nila yun ng mga kaibigan niya para sa audition kahit na ginagabi po sila ng uwi palagi dahil madalas inaabangan po namin sila pauwi kaya po alam namin." pag eexplain niya kaya naman nakaramdam din ako matinding lungkot matapos marinig ang nangyari.

So nag audition siya at hindi siya natanggap kaya pala hindi ko siya nakita kaninang kumakain kami sa cafeteria.

"Ah ganun ba? Bakit kaya hindi nanalo si Blake?" takang tanong naman ni Ramon at sinagot naman siya ulit ng mga babae kanina.

"Tingin ko po'y kamag-anak ata ng judge sila Christoper yung nanalo po kaya po sila nanalo at yun din po ang usap-usapan kanina dahil Pagkatapos pong magperform nila Blake at sila na sana ang last ay biglang may 'hahabol daw na team na mag oaudition kahit na late na nagpalista at alam ko po'y kay disqualify na yun pero sila pa rin ang nanalo at di hamak na mas magaling tumugtog sila Blake." medyo naiinis pa ring kwento ng mga babae.

Nauna na rin kaming lumakad at nagpasalamat sa mga babaeng nagbigay impormasyon kanina. Nakatulala pa rin ako dahil sa narinig kaya naman nagpa-alam muna ako sa 'kanila Ramona na may pupuntahan lang dahil hindi mawala sa utak ko ang mga narinig.

"Maaga pa naman diba? May pupuntahan lang ako ha at babalik rin agad bago magsimula ang klase." sabi ko at hindi na sila hinintay pa at tumakbo na.

"Oy at san ka pupunta Coco?" dinig ko pang sigaw ni Ramon pero hindi ko na siya sinagot pa at nagmadaling tumakbo papuntamg cafeteria.

Bumili ako ng shake at sandwich at pinadagdagan ko rin ang binili kong sandwich at tumungo sa building nila Blake. Hindi ko sigurado kung saan sila mismo pero ang rinig ko'y katabing building lang namin sila at third floor kaya naman nagmamadali akong halughuhin ang room nila at buti na lang walang masyadong tao dahil break time kaya naman mabilis ko 'itong nakita ng makita ang mga kaibigan niya sa bintana.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 23, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

BituinWhere stories live. Discover now