DJ's POV

Takbo lang ako ng takbo. Wala akong pakialam kahit na may pasok pa bukas, ang importante ngayon. Si KC.

Tinatawagan ko si JC pero hindi niya sinasagot. 

Iniisip ko kung anong araw ngayon.

Baka sakaling alam ko yung birthday na pupuntahan nila.

Takbo ako ng takbo, ramdam kong tumutulo na yung pawis ko, kaya naman napahinto ako sa isang tindahan.

Tapos hindi ko sadyang makita yung pangalan ng store. "ARIA'S SARI-SARI STORE" Sambit ko sa sarili ko.

Aria.. Aria.. Aria..

AHHHH! Si Aria Clemente? Na-kaibigan ni KC? Yung childhood friend niya dati? Oo nga! Siya nga! Birthday nya ngayon!!! Buti na lang at alam ko ang bahay nun.

Sumakay na ako ng taxi at nagpahatid sa may venue.

Pero pagdating ko...

..Wala ng tao.

"Bakit ngayon ka lang?" Biglang may nagsalita sa likod ko. Si Aria pala. "Kanina ka pa nila tinatawagan pero si JC yung sumagot."

"Asan si KC?" I asked.

 

"Kasama si JC, umuwi na sila."

 

 

 

"Bakit naman hindi niyo agad sinabi sakin na pupunta pala si KC dito?"

 

 

"Alam mo sa totoo lang, hindi ko expected na pupunta siya, hindi naman mahilig sa mga ganito yun, I think you and Kath need to talk."

His Blind Heart [KathNiel]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!