"Sinasabi ko na nga ba e, miss mo ako pero WHAT? May nagpadala sa iyo ng ticket?" bigla pang sabi niya. Luma na yan yots.

"Oo Jeng, wag munang ipagkaila, alam ko na. Special Reservation pa nga eh. Talagang hindi palpak Jeng. Nasurprise mo talaga ako." nakangiti pang sabi ko.

"Mabuti naman,"siya pala talaga akala ko pa sa prince charming ko galing. "...pero Mon wala akong pinadalang ticket sa'yo..."

What?

"Eh ano tong natanggap ko fake?" mataray na tanong ko.

"No, hindi ahh...totoo yan. May nagpareserve niyan."

"What? Who?"

"Mon, selected lang ang may ticket na ganyan. Yung mga may shares lang dito sa Paladise Resort."

"Eh, sino Jeng?"

"Yan ang hindi ko alam, marami-rami rin sila e. Wala bang pangalan dyan?"

Tiningnan ko ang ticket at talagang binaliktad ko pa.

"Wala, eh"

"Forever mo na yan Mon,HAHA," natatawa pang sabi niya. "...sige ha, may meeting pa ako. Ipangumusta mo na lang ako kay Tito. Punta ka dito para makita mo ang 'forever' mo haha. 'Till next time cuz." sabi niya at pinutol ang linya.

"Langhiya ako pa ang tumawag ako pang pinutulan. Pero kanina galing ang ticket na'to?" Tanong ko sa sarili ko.

Ipaalam ko ito kay Lalaine.

*Tok-Tok-Tok

"Oh, ikaw pala Lis,"bungad niya sa'kin. "...Lika pasok..."

Pumasok ako at umupo.

"Wow,ha! Upo agad! Di ba pwedeng magsalita ka muna kung bakit ka andito?" Abay atat ah. Curious?

"Whatever, Lalaine." Umiirap ko pang sabi.

"Bakit nga?" kuryusong tanong niya at binigyan ako ng fresh juice.Bilib din ako sa opisina ng babaeng to may juice talaga.Aba mayaman!

"Binigyan lang naman ako ng card may lamang ticket trip to Palawan." mataba pang sabi sa kanya at umayos ng upo.Hmmp, masuya ka pls.HAHA

"WEEH?Di nga..." Di makapaniwalang usal niya. Hmmp!

"HAHA!Gusto mong tumingin?" paghahamon ko pa.

"Sige, game."

"Oh ito," at ibinigay ko sa kanya ang card. "...nasa loob ang ticket, wala sa labas."

Nakatitig lang kasi siya sa card.

"O-okay," nauutal pa.

Anong nangyari nito?

Binuksan niya ang card at tinanaw ang ticket at binasa ang note.

"Totoo ngaa!" namangha pang sabi niya.

"U-huh,"tango-tango pang sabi ko.

"Sinong nagpapabigay?"

"HA! Syempre prince charming ko," tumatawa pang sabi ko. Hahaha mainggit ka sa pagsisinungaling ko!

"Eh, mayroon na ba?"

"Wala pa Lalaine," sarcastic pang sabi ko.Hmmp! Loading! "...kaya nga di ba pinadala niya sa akin to?"

"Oo nga pala no," tango pa niyang sabi. "...pero sino?"

"Aba e, secret..." hahaha ni di ko nga alam kung sinong nagpadala nito, sabi pa sa utak ko.

"Yieeh, congrats Lis," kinikilig pa niyang sabi. Owwsss nadala hahaha.

Once in a Lifetime {On Going}Where stories live. Discover now