Prologue

18 6 3
                                    

Ziyamesh Chelsey Feuntabellia isang babae na lumaki sa probinsiya na tinatawag na Vistar.Doon na siya lumaki at don na rin umikot yung mundo niya.Naka punta na rin si Ziyamesh sa ibang probinsya pero para sa kanya wala paring tatalo sa Vistar.Malawak ang kapatagan ng Vistar at may mga masaganang mga tanim.May maliit rin itong amusement park kung bakit maraming dayuhan ang pupunta dun.Meron rin silang malinis na ilog na pwedeng pag liguan.May magandang tanawin rin eto mula sa bukid.Malamig din ang hangin don katulad ng baguio.Pinatayuan eto ng swimming pool dahil narin sa gusto ng mayor.Madalas binibisita nito ang pool areas nila.Dahil kakaiba ang desinyu at maganda ang tanawin roon.Para sakanya ang Vistar ang probinsiya na kung saan di ka makakaramdam ng boredom.Don na din niya nakilala yung totoo niyang mga kaibigan.Kilala ang mga Feuntabellia dahil sa sikat at malaking negosyo nila.Malawak ang lupain ng mga Feuntabellia halos kalahati eto ng Vistar.Nong hahantong na si Ziyamesh ng college ay kailangan niyang iwan ang lugar para ipagpatuloy ang pag aaral sa manila.Iniwan ni Ziyamesh ang pinakmamahal niyang probinsya para sa pag-aaral.

Nang humantong na siya ng kolehiyo ay doon na niya makikilala ang "The One" niya.Pero pano kung akala mung the one muna ay lolokohin ka pala.Pero pano din kung ang pagkakamali niyang yun ay may rason pala.Magagalit pa kaya si Ziyamesh kung malalaman niya ang katotohanan?

Zyamesh POV

"Ma ayoko po! Ayoko po dun dito lang ako masaya ako dito!"pasigaw na sambit ko kay mama na ngayon ay naka pameywang sa harapan ko.

"Mas advance nga yung edukasyon dun anak.Sa ikabubuti mo naman to eh"si mama."Tsaka kasama mo naman yung kakambal mo eh."

"Ma,ilang beses ko ba sabihin sayo na walang pinag kaiba yung edukasyon sa manila at dito satin.Pareho lang yun ma ,yung ikinaiba ay puros habog at tarantado lang ang lahat na nag-aaral dun.Dito  puro matatalino at mababait yung mga nag aaral sa unibersidad natin dito." Sambit ko."At isa pa di rin naman papayag si Zikenastian na iwan yung mga barkada niya dito eh."naksimangot na sabi ko.

"Auh basta para sakin iba parin pag nag kolehiyo ka sa manila.Magaling mag turo yung mga guro dun staka magagamit nyu dun ang mga talent nyu.Sayang naman yang katalinohan mo pag dito ka lang mag-aaral sa probinsya na to.Si Zike magagamit niya dun yung pagiging magaling niyang mag basketball,aba malay mo maka pasok yan sa varsity."napabuntong hininga si mama."Sa ayaw at gusto nyu dun kayo mag-aaral intyendes!?"dagdag niya saka umalis sa harapan ko.Ako naman padabog na umalis sa sofa papuntang kwarto.

Nilakasan ko yung pag sarado ng pintuan ng kwarto.Rason kung bakit sinigawan ako ni papa.Hnpf ayaw ko talaga sa manila ayaw ko dun.Maraming hambog at tarantado dun.Di pa sariwa ang hangin wala pang malinis na ilog dun na pwedeng liguan.This is where i belong,mundo ko to dito na ako lumaki.I hate it when someone force me to do  like this to do like that.Tsaka ang lahat ng makakain ko makukuha ko lang sa paligid eh doon kailangan ko pang bumili at minsan di pa sariwa ang mga binibenta.Dito kukuha lang ako ng niyog kung sakaling gusto ko kumain nito.O di kaya mga gulay na pang ulam.Walang alam ang mga tao dun kundi mag party party,party dun party here party everywhere.Di pa naman ako sanah na manirahan sa mga syudad.Paano na mga kaklase ko dito paano na si angela at neneng.Iiwanan ko sila.

Buong araw nasa kwarto lang ako.Lumalabas lang ako pag kakain na.Nagmukmuk ako sa kwarto ko di ko parin inaasikaso yung mga gamit ko na dadalhin sa manila.Ang arte kasi ni mama magaling naman mag turo yung mga guro dito eh.Si Zike alam kong magagalit rin yun sa desisyon ni mama.Di rin sanay si zike na tumira sa manila kakambal ko siya kaya pareho yung mararamdaman namin sa desisyon ni mama.

Di ko namalayan na nakatulog na pala ako sa kakaisip ng sulosyun para di matuloy ang plano ni mama.

"Ziya!gising na,Ziya!"nagising nalang ako sa malakas na boses ni Zike.

FROM HI TO GOODBYEDonde viven las historias. Descúbrelo ahora