Dedicated to :ItsAriash
Craig's Point of View
Pinapunta ako ni Mrs. Corpuz sa Principal.
Umupo naman ako sa upuan.
Malaki ang Prinicipal Office namin dito at tsaka may sofa pa kung saan pwede ka matulog pag napa office ka.
Malamig rin dito dahil 2 Aircon ang naka bukas.
Umupo na rin si Mrs. Corpuz
"Craig ano bang problema mo?!!" nangagalaiti na tanong nito
Naka yuko lang ako at tahimik
"Bakit mo lagi pinag tritripan si Amy?" tanong ulit nito
"Wala po." palusot ko
"Wala pala eh bakit narinig ko na kinuha mo ang pagkain nito at binuhos sakaniya." galit na saad ni Mrs. Corpuz
Wala ka nang pakialam dun!!
"Hindi po sadya yun." palusot ko ulit
"Jusme!! Craig transferee si Amy wala pa siyang dalawang buwan dito grabe na natatanggap niya galing sainyo!!" hiyaw nito
Chill Mrs. Corpuz Atakihin ka pa diyan..
"Baka atakihin ka Mrs. Corpuz." mahina kong sabi
"Ay diyos ka kang bata ka hindi ko na alam kung anong gagawin ko sayo." galit na hiyaw nito
Palipat niyo ng Section tutal diyan kayo magaling.
"Mas malala pag sama sama kayong magbabarkada. Paghihiwalayin ko na lang kayong anim." sambit nito
Fuck!!
Bakit?? Dahil sa ginawa ko kay Amy??
"Eto ang parusa para sayo Craig. May marinig pa ako na binubully mo si Amy o kahit sino na estudyante dito. Kikick out na kita." banta nito sakin
Shit!!
Ngayon lang ako sinabihan ni Mrs. Corpuz ng ganito kaya ramdam ko na seryoso talaga ito ngayon.
"Paano pag ayaw ko Mam?" tanong ko dito
"Wala kang choice Craig." ani Mrs. Corpuz
Ah shit! Pupunta ako sa mga section na wala akong ka kilala?!
"Simula bukas papasok ka na kung nasaan section si Amy!!" hiyaw nito
Huh??
Bakit dun pa??
Ang dami naman na section na pwede ako mag transfer.
Tumungo na lang ako.
"Paano sila George?" tanong ko kay Mrs. Corpuz
"Wag mo na problemahin mga kaibigan mo. Tuwing breaktime lang kayo pwede mag sama." sabi nito
Kahit labag sa loob ko ang decision ni Mrs. Corpuz ay hindi ako pwede humatol dito. Kahit gaano ako katapang siya ang namumuno dito kaya kelangan ko ito sundin.
"Hay nako!" saad ko
Shit! Dapat sa isip ko lang sasabihin yun. Tinaasan ako ng kilay ni Mrs. Corpuz
"Bumalik ka na sa klase niyo." utos nito sa akin
"Sige po." sang ayon sabay ngisi
Tumayo na ako sa pagkakaupo ko at lumabas na ng Principal Office.
Shocks!! I can't believe na sa Classroom ni Amy pa ako mapupunta.
Nakakahiya yun!!!
Naglakad na ako pabalik sa klase.
BINABASA MO ANG
I FELL INLOVE WITH A BADBOY ( Book #1 TRILOGY)
RomanceAmy, a kind-hearted girl with a brave personality who doesn't like cruelty and unjust treatment among others. She hated people whose taking advantage of kindness and who uses their strength to affright those who are weaker than them. In short she fe...