Bakit ba kasi andito tong kumag na to.
Lumapit ako sa kanila at biglang tumayo ang mommy ko
"Oh andyan kana pala.Kuha ako ng juice para sa inyo.Mag-usap muna kayo" nakangiting sabi nya
"Bakit ka ba andito?Anong kailangan mo?"
"Labas tayo mahal" nakangiti nyang pagtugon sa tanong ko.
"Ayoko"tipid kong sagot sa kanya.
"Sige na.Pleaseeeee" pagpapacute nya.
Naku naman ang pogi.Wait.Ano Nicole?Erase.Erase.
Hinila ko sya palabas para makapag usap kami.Baka marinig pa ni mommy.
"Ano ba?Bakit gusto mong lumabas kasama ako?" inis kong tanong sa kanya.
"I want to know you more.Masama ba?Pwede ka ding umayaw,hindi kita pipilitin"
Nagpapa konsensya pa talaga.Wala na akong magawa kaya sumama nalang ako.
Nauna syang lumabas ng gate at napahinto ako nung nakita ko ang sasakyan nya.
Nasa tapat na nya ako at nagdadalawang isip kung sasakay ba ako.
"Wait" pinigilan ko muna sya ."Dyan ako sasakay?" pagtuturo ko pa sa motor nya.Hindi sa maarte ako ah pero first time kong sumakay ngayon.
"Oo.Bakit ayaw mo?Ang arte nito" sabay gulo nya sa buhok ko.
Waaah.Kinilig ako.Huy Nicole mag behave ka.Pinapangaralan ko na sarili ko ang harot kasi.
"Sumakay ka na"
"Si..ge" Waaaah.Di ko alam kong saan ako kakapit.
"Wear this" iniabot nya sakin ang helmet.
Mabagal naman ang pagpapatakbo nya noong una pero bumilis ito kaya natakot ako at yumakap sa kanya.Nanginginig na tuhod ko mukhang dalawa ata buhay ng lalaking to hindi man lang natakot na baka madisgrasya kami.
"YAH TIMOTHY! BAGALAN MO MAMAMATAY NA AKO DITO!!! "
Hindi ito nagpatinag at mas bumilis pa ang takbo nya.
Kinurot ko sya ng malakas dahilan sa paghinto ng motor nya.Napadiin ang mukha ko sa likod nya.Hinampas ko ito kasi nakakailan na.
"Ano ka ba ha?!!! Sabi ng bagalan mo!!! Ano sa tingin mo? Dalawa buhay natin ? Na immortal tayo kaya kapag nadisgrasya tayo hindi mamamatay!!!"
"Sorry na po mahal"
"Che!"
Tumawa lang ito sa sagot ko.Mukhang masaya ata to kapag binibwesit ako.
Muli nyang pinatakbo ang motor nya at ngayon,mabagal na ito.Sadyang trip nya lang siguro yun kanina.Hininto nya ang motor sa tapat ng isang restaurant.Sa mukha pa lang mamahalin na.
"Teka.Sigurado kang dyan tayo kakain?Wala akong dalang pera.Kinaladkad mo lang ako dito"
Napatawa ito sa sinabi ko.Anong nakakatawa don?
"Mahal,ako ang nag-aya kaya wag kang mag-alala"
Pumasok na kami sa loob at naghanap agad ang kasama ko ng table.
Pinapili na nya ako ng kakainin ko.Binuklat ko na yung Menu at napanganga ako sa mga nakita ko.Like what the...Ang mamahal ng pagkain nila.
"Oh?Bakit hindi ka pa nakapili?"
"Ah...Ano kasi e.Ang mamahal ng pagkain dito.Sa iba nalang tayo"
"Okay lang yan.Sige ako na pipili"
---
Habang kami ay kumakain nakipagkwentohan ang shokoy na to sakin.
"So bakit hindi kapa nagbo-boyfriend?" nakatingin na ito sakin at nag-aantay sa isasagot ko.
"Ayaw ko lang"
Tipid na sagot ko sa kanya.
"Matanong lang kita mahal" tumitig muna ito sakin tsaka nagsalitang muli "May pinag-iipunan ka ba?"
Napatawa ako sa sinabi nya.
"Ba't mo natanung yan?" Tawang sabi ko
"Ang tipid mo kasing sumagot.Kung kaya ko lang bilhin kada letra binili ko na para naman may matino akong kausap ngayon"
"Wow.Usapang matino pa talaga?E sino yung hindi matino satin? Ikaw nga puro mahal uwi na tayo sa bahay.Labas tayo mahal" ginaya ko yung pananalita nya.Natawa lang ito.Ang gwapo nya sheeeemay.
Napailing ako sa sinabi ko.Hindi.
HINDI PWEDEEE!
-----------
VOTE AND COMMENT.KAMSA *-*
YOU ARE READING
Wrong Number
RomanceWe cannot avoid making mistakes. What if that mistake was the reason your life changed. Dahilan kung bakit mo sya nakilala. Ang taong magiging parte pala ng buhay mo. It all started with a Wrong Number.
Chapter 12 : Date
Start from the beginning
