"Ayon! Para mas mapa amin na natin si Engr." Masayang tugon ni Jace.

"Wala akong aaminin mga tanga" sagot ko sakanila.

Nagsi inuman muna kami sa kanya kanya naming bote at nanood ng Netflix sa TV.

"May event mamayang gabi sa Function hall sa may Beach, punta kayo mga gago" sambit ni Drie habang nanonood paden sa TV.


"Sino-sino andon?" Sagot ni Aey.


"Karamihan naman ata Pinoy, kase bakasyon pero may mga foreigner din, basta karamihan naka check-in dito sa Hotel"


Nag tinginan sila sakin habang nilalagok ko ang Beer na hawak ko.

"Ano?" Takang tanong ko.


"Andun si Seniece oy!" Masayang tugon ni Jace.

"Not interested" malamig kong sagot.


"Talaga? Pag yon pinormahan ng iba, iyak ka" sagot naman ni Shan.

"10 years na ang nakalipas mga tanga" sagot ko.

"Basta, pumunta tayo! Drie sama ka ha?" Sabi ni Jace.


"Natural, kami nag organize! Tsaka kasama talaga si Seniece don, walang BOYFRIEND" Pagdidiin ni Drie.

"Ayon naman pala eh" sagot ni Jace.

"Edi matik na pala?" Pag sang ayon ni Shan.

"Game ako jan!" Sagot naman ni Aey.

"Whatever" malamig ko pading tugon.

Ayokong ipakitang excited ako, gusto ko paden ipakitang di nako interesado sakanya kahit na yung totoo? Gustong gusto ko padin sya.

"So game na ha? 7 ang start! 5:30 na! Dun nalang kayo mag dinner" tugon ni Drie habang kinukuha lahat ng boteng naubos namin.

"At tsaka pala Aey! May Acoustic band session din dun, pwede mag Jamming, puros Pilipino naman yung andon so kayo na bahala" pahabol ni Drie.

Nagliwanag ang mata ni Aey ng marinig yon.

"Really?" Excited na tugon ni Aey.

"Oh ayos pala eh! Jamming tayo tas inom na din HAHAHAHA" Sagot naman ni Shan.

"Maghihilamos nako guyz baka meh chix din mamaya eh!" Pagbiro ni Jace.

"Umayos ka nga! Baka dito mag land ang Airline nila Adi, malagot ka" pagbibiro ni Shan sakanya.


"Joke lang, loyal ako dun eh" pag bawi ni Jace sa sinabi.

"Ewan ko sainyo, tara na mag ayos na tayo at nakakahiya sa organizer" sabat ko sakanila.


"Mahiya talaga kayo" pagbibiro ni Drie.

Pagkatapos namin mag inom ay isa isa na kaming nag ayos ng mga susuotin at nag half bath, Si Drie naman ay kumuha lang ng Damit sa Office nya at sumabay din dito sa Hotel Room namin. Dito din daw sya matutulog eh.


Pagkatapos nilang magbihis ay kanya kanyang ayos nalang ng buhok.

"Ayos na ba?" Tanong ni Jace.

Naka White Polo sya at naka itim lang na shorts na pinartneran nya ng Balenciaga na sapatos.

Si Shan naman ay Maroon Polo at Gray shorts at naka Black sandals na pang beach, Si Aey nag Wbite Gucci shirt lang tsaka shorts na Black at nag Sandals lang din na itim, Si Drie nag black polo lang tas white shorts then Black Topsiders.

"Ayos ha? Ewan ko nalang kung wala kayong babaeng kasama mamaya" puna ko sakanila

"Wow ha? Sino kaya ang pormang porma satin ngayon?" Pag bara naman nila sakin.

Naka White Long sleeves ako na naka tupi hanggang siko tas Black shorts tas white na beach sandals.

"Ewan ko nalang kung di mo pa mapormahan nyan si Seniece" tugon ni Jace habang nag spray ng pabango.

"Tss, Im just trying to be presentable" I just rolled my eyes while fixing my hair.

"Trying to be presentable to Seniece?" Shan smirked.

"GAGO!"

Nagtawanan lang kami bago bumaba dahil quarter to 7 na, nakakahiya naman mahuli.

"Tangina! Nakikita mo ba Shan ang nakikita ko?" Manghang sabi ni Jace kay Shan.

"Look who's walking downstairs" puna naman ni Shan.

Busy akong mag picture sa phone ko ng mapalingon ako sa tinitignan nila.

It's Seniece.

Wearing a White Beach dress na above the knee at naka white flat sandals lang din, naka lugay sya at medyo kulot ang sa may tip neto.

"Mas gumanda ex mo Gab ha" puna ni Ary dito.

"Hoy! Para kayong naka kita ng multo" bati ni Seniece kila Jace.

"You look stunning" sagot nila Jace

"Kahit kailan talaga, mga BOLERO"

May diin talaga pagkaka bigkas nya ng BOLERO ha? Kelangan ba yon.

"Ano Gab? Diba ang Ganda ni Seniece?" Pang aasar nila Shan sakin.

Tinignan ko lang sya sa mata at tumango.

Yes, she's gorgeous. That's my girl.

Predicting UsМесто, где живут истории. Откройте их для себя