07

8 2 0
                                        

"AYAN NA ANG ATING BUTIHING DOCTOR"

Parang tanga nanaman si Jace at Shan dahil sa pagdating ni Aey, may dala itong Gitara at isang maleta.

"Long time mga bebelab!" Sigaw nya lang pagka pasok na pagka pasok nya sa Room namin.

"Ampota? Laki mo na anak ha?" Pagbibiro ni Shan dito.

"Yes po daddy" pag sagot naman neto.

Wala na, iingay na to mamayang gabi dito. Pagka ayos ni Aey sa gamit nya ay dumiretso ito sa CR para maligo, napaka arte eh galing daw sya Ospital kaya kelangan nya maligo.

"Hoy! Kita ko sa kabilang room si Archi. Nakasalubong ko eh" pasigaw na sabi ni Aey habang naliligo.

"Oh? Talaga? May kasama?" sagot naman ni Jace.

Alam ko nang aasar nanaman to, tangina minsan napapaisip ako kung kaibigan ko ba mga 'to o ano.

"Wala, sya lang ata mag isa sa Room eh"

Lumabas na si Aey sa CR Pagkasagot nya non.

"Talaga? Gab! Galaw galaw" singhal naman ni Jace.

"Baka lumabas yung boyfriend kaya sya lang nakita mo" malamig kong sagot.

"Nah, sya lang talaga. Nasa ibang Room ata Assistant nya?" Pagsagot ni Aey habang pinapatuyo ang buhok.

"Ow? Yun naman pala? Kausapin mo kaya Gab?" pag sagot ni Shan habang naglalaro ng ML.

"Ayokong makipag usap sa Cheater" pag sagot ko.

I faked smile to them saka sumalampak sa Sofa.

"Since noong naghiwalay kayo, umiwas ka samin, You never tell your side Gab, pano ka namin matutulungan?" Pag sagot ni Shan.

Sumang ayon naman ang iba sakanya.

Yep, I never told them. Kung bakit iniwan ko bigla si Seniece, si Senice lang ang nag open sakanila at di rin ako interesado malaman ang mga napag uusapan nila kaya nag focus ako sa Acads ko at Grumaduate ng Cum Laude sa BU.

Di na rin ako masyadong naki balita kay Seniece simula noong iniwan ko sya, kung hindi dahil sa balita, di ko malalaman na nag Top sya sa BAR Examination nila. Sa balita nalang ako umaasa ng mga ganap sakanya.

Si Jace naman ay isa na ding Captain ng isang sikat na Cruise ship, kaya hawak nya din ang oras nya dahil sya ang nagdedecide kung kelan lang sya sasampa ng barko.

Si Shan, ang aming Sundalo. Potangina kaya walang stable na love life dahil kung saan saan na dedestino. Sa ngayon, umalis muna sya ng kampo para naman daw makapag relax, ayaw nya daw mamatay agad eh.

Si Drie, bigla bigla nalang namin nababalitaan na FA na sya, di naman kase sta masyado nagbabalita and yes, hanggang ngayon di nagsasabi about sa Love life.

Si Aey, ang Cardiologist ng bayan. Stable ang buhay kasama si Dani. Kadalasan lang busy dahil din sa nagaayos din sya ng Studio nya.

Di ako nag open sakanila dahil ayoko. Sinarili ko lang yung sakit, yung galit. Lahat.

"Kaya di ka namin matulungan eh, di ka naman nagkikwento" sabi naman ni Jace.

Naputol ang pag uusisa nila sakin ng may kumatok sa pinto.

Pumasok si Drie na may dalang Smirnoff.

"Tara Chill?" pagka abot nya ng bote sa may center table.

Predicting UsUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum