Book 2- XX part 2 Forever in Love with Him

Magsimula sa umpisa

Niyakap ako ni Papa at inaalo.. "Wala ka namang naging kasalanan anak. Alam kong nahirapan ka at tanggap ng Mama mo iyon. Alam kong masaya na siya at unti-unti ng natutupad ang pangarap niya para sa inyong nagkakapatid. Mahal na mahal ka namin anak, kayo na mga anak namin. Kayo ang kayamanan namin at hindi ko pinagsisisihan ang mga desisyon namin ng Mama niyo. Tahan na anak... Papagalitan na ako ng Mama mo.." pagpapagaan ni Papa sa sitwasyon. Natawa naman ako doon. Pinapagalitan kasi ni Mama si Papa kapag may isa sa aming magkakapatid ang umiiyak dahil may lahi yata kaming nerbyosa at emosyonal.

Pinunasan na ni Papa ang aking luha. "Thank you Papa. I love you. Mahal ko kayo ni Mama..." sabi ko sa kanya at niyakap muli siya ng mahigpit..

Tumayo si Papa at tinulungan akong tumayo.

"Tara na at naghihintay na sila..." kumunot ang noo ko sa sinabi ni Papa..

Sinong sila? E diba si Mama lang naman pupuntahan namin?..

Ahhh. Baka yung iba naming kamag-anak na nakahimlay na rin...

--

"Mama, I'm sorry po kung ngayon lang po ako nakadalaw sa iyo. Alam ko naman po na nandito kayo lagi sa tabi namin at patuloy na binabantayan. Sana wag niyo po kaming pababayaan. Maraming salamat mama sa lahat-lahat."

Simula nung dumating kami rito ni Papa ay kanina pa rin siya tahimik. Kaya ako lang ang maingay sa amin at kausap ang puntod ni mama. Hehe. Tama nga ang hinala ko na  mga magulang ni Mama ang kasama niya rito nakalibing.

"Lolo at Lola, siguro masaya na kayo kasama si Mama no? Hehe. Naging mabuti at mapagmahal po siyang ina sa aming magkakapatid at asawa kay Papa. Sayang po hindi ko na po kayo nakita. Siguro kasing ganda niyo Lola si Mama? Hehe. Sana po patuloy niyo po kaming bantayan." kausap ko naman sa yumao kong mga grandparents.

Sayang nga hindi ko naisama rito si Robbie pero okay lang magpahinga na lang siya sa bahay para bukas malakas siya.

Ilang minuto pa ang lumipas at nakatingala lamang ako sa kalangitan. Medyo makulimlim pero mukhang hindi naman uulan.

"Anak, iwan muna kita rito ha. Bibili lamang ako ng inumin at pagkain. Nagugutom na rin kasi ako." paalam sa akin ni Papa. Tumango na lamang ako at nakaramdam din ng gutom.

Maya-maya ay nakaramdam ako ng mga yabag. Siguro si Papa na iyon.

"Pa, ang bilis mo naman po ya---" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil hindi si Papa ang dumating kundi ang lalaking nagpapatibok ng puso ko ng sobrang bilis."Rob?!" tawag ko sa kanya. Paano niya nalaman na nandito kami ni Papa? Ahhh.. Siguro naisipan niya ring bisitahin si Mama.

Lumapit sa akin si Rob at humalik ng mabilis sa aking pisngi. Umupo siya sa tabi ko habang nakatingin sa puntod ni Mama. Matagal at parang kinakausap niya si Mama sa pamamagitan lamang ng isip.

Ano kaya ang sinasabi niya?

Bahagyang yumuko siya at nakita ko kung paano lumandas ang luha sa kanyang mga mata.

"Rob! Anong nangyayari? Bakit ka umiiyak?" tanong ko sa kanya at niyakap siya. Pati tulog ako naiiyak na. Kainis naman e.

Umiling lang siya bilang sagot at inangat ang ulo niya para makita ako. Binigyan niya ako ng totoong ngiti at kita ko sa kanyang mga mata ang kasiyahan at pag-ibig.

"J-jesse.." tawag niya sa akin habang pinupunasan niya ang aking luha ganun rin ako sa kanya.

"Hmmm?" huminga siya ng napakalalim bago magsalita.

"I'm sorry kung hindi na natin kasama si Mama. I'm sorry kung napagsabi ako ng maling paratang sa magulang mo lalo na kay Mama. I'm sorry..." yumuko siya at ramdam ko yung hiya sa kanya.

Falling in Love with HIM (COMPLETED)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!