Candy's POV

"Bat parang wala ata sa sarili niya ngayon to?"

"Ewan. Baka may nangyari?"

"Ha? Ahh... baka nung nag-amusement park tayo. May nangyari siguro sa kanila ni Lucas."

Bwiset talaga ang lalake na yun! Bat ba patuloy parin siya sa pagpapakilig sakin kahit pa galit ako sa kanya?

Nababaliw na ata ako!

"Candy Dee Dominguez-Formalleza, bumalik ka na sa katinuan. Tigil na ang pagiisip!" nabuhayan naman ako sa pagtawag sakin.

Sinamaan ko ng tingin si Akira. "Anong Formalleza ka jan! Tigilan mo ko, Akira ha! Hmp!"

Nakakainis! Formalleza pang nalalaman. Dugtong ba daw sa pangalan ko?

Aish! Nababaliw na talaga ako. Naiinis na din ako. Okay, lahat na. Tsk.

"Baliw na to." rinig kong sabe ni Akira. Di ko nalang siya pinansin.

Alam niyo ba kung bakit ako nagkakaganito? Okay, magflashback tayo.

FLASHBACK

Ayan, pumasok na kami sa loob ng Horror House.

Alam ko namang sinasadya niya to e. Aish. Alam naman niyang takot ako sa dilim e. Bwiset talaga tong lalake na to.

Nung una, medyo okay okay pa. Pero nung...

Nung biglang may lumitaw na sadako, dun na ako sumigaw.

"AAAAAAAAHHHHHHH!" sa takot, napatakbo nalang ako.

Tumakbo ako habang umiiyak. Shocks! Kaya ayoko dito e!

Tumatakbo parin ako hanggang sa may naramdaman akong may humila sa braso ko.

Napasigaw nalang ulet ako sa takot sabay pikit. "KYAAA---Hmmm..." bigla ba naman takpan ang bibig ko?

Bastos ah!

"Shh... ako to, Dee. Wag ka na matakot, atsaka wag ka na ring umiyak. Nandito na ako." sabe niya. Naramdaman kong pinulupot niya ang mga braso niya sa akin.

Niyayakap niya ako ngayon. Pero di parin matigil sa pagtulo ang mga luha ko. Bwiset kasi tong lalake na to e.

"*sniff* B-Bwiset k-ka kasi e. K-Kasalanan mo i-ito. *sobs*" binaon ko yung mukha ko sa dibdib niya.

"Shh... sorry, Dee." he caressed my hair. "Di ko naman alam na magkakaganito e. I was just trying to tease you, not to scare you away. Sorry, my dee." sabe niya sabay halik sa ulo ko.

Err... sorry sorry pa siya. Hmph!

"Promise, I won't leave your side ever again. Dito lang ako. Kapag natatakot ka, call my name and I'll be there." sabe niya. Napaangat ang ulo ko.

"Hindi ba kanta yun? *sniff*" inosente kong sabe.

~SILENCE~

Bigla nalang niya piningot yung ilong ko. "Ang ganda mo talaga, Dee ko." sabe niya. I pouted.

"Sama mo!" sabe ko. He chuckled.

"Tapos tatawa--- *chup*" nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya.

"Baki--- *chup*" KYAAAHHH! Ano ba yan!

"Luca--- *chup*" pilit kong kumawala sa yakap niya pero ang higpit.

"Bitawan m--- *chup*"

"Lucas, ano--- *chup*"

"Tigilan mo na ak--- *chup*"

Sweet DespairBasahin ang storyang ito ng LIBRE!