Happiness
Kailan nga ba tayo huling naging tunay na masaya? Kailan natin nasabi sa ating sarili na masaya pala ang mabuhay? Kailan natin nadama ang maging masaya sa piling ng iba? Kailan ba natin naisip na dapat na tayong maging masaya? Kailan mo pipiliin na tuluyang sumaya?👨⚕️ DR. HIDEO ADONIS CANLIAGN
Kadalasan.
Hinihiling ko na sana ay hindi na ako nagigising sa tuwing nakakasama ko siya sa mga panaginip ko. Kasi wala namang ibang ikasasaya ang puso ko kundi ang muli siyang mayakap, mahawakan, at makausap.
Dito lagi sa panaginip. Natatanaw ko siya, nalalapitan at kung minsan ay masaya naming binabalikan ang aming mga magagandang ala-ala.
Ginawa nga ba ang panaginip para sa mga taong nangangarap o para rin ito sa mga taong nangungulila, kagaya ko?
Siya at ako lamang.
Siya na kasiyahan ko.
Siya na lagi kong hinihiling na muli kong makapiling.
Sapagkat sobra ko na siyang sabik na makasama.
Napakaraming bagay at pangarap na nais ko pang tuparin na kasama siya.
Dito na lang ba sa panaginip iyon magagawa?
Hanggang dito na lang ba talaga? Kailan ko ba matatanggap na hanggang dito na lang kami?
Hanggang dito na lang, sapakat kailangan ko na siyang pakawalan upang tuluyan na niyang lisanin ang mundong ito.
Sa ngayon ay sabay naming pinagmamasdan ang malawak na taniman ng mga bulaklak.
"Sychelle..."
Napatingin siya sa akin at napangiti. Inilagay niya ang kamay niya sa pisngi ko. Napapikit ako upang damhin ang Pagkakahawak niya.
"Pasensya na... kung iniwan kita, Hideo..."
"Sychelle...h'wag mo na akong iwan...dito ka nalang."Pakiusap kong sambit sa kanya.
Nayuko siya.
"Hindi pwede... kahit gustuhin ko man...pero hindi na pwede..." naluluhang wika niya.
Unti-unti ko siyang niyakap. Hinigpitan ko ang pagkakayakap ko sa kanya.
"Paalam...Hideo...paalam..." bulong niya sa akin.
Napamulat ako at napahinga ng malalim. Tumingin ako sa paligid ko at hindi na iyon isang malawak na kapaligiran na puno ng bulaklak.
Isa na namang panaginip...
Kasama siya.
Napahinga ako ng malalim at napahikbi. Hindi katulad ng mga nakaraan ay hindi na gaano sobrang bigat sa dibdib ko ang pangungulila. Tumayo at tuluyang tumulo ang luha ko.
Napatingin ako sa lamp table ko. Mayroon doong lotus candle at isang rosas na nasa tabi ng litrato namin ni Sychelle.
Last week ay binigay sa akin ni Dok Ivo ito. Sinabi niya na makakatulong raw upang maibsan ang pangungulila ko sa nasawi kong kasintahan.
Mukhang tumalab naman. Dahil hindi na ako sobrang nilulukob ng kalungkutan at paninikip ng dibdib. Pinunasan ko ang luha sa mata ko. Lumapit ako sa lotus na kandila at pinatay ang apoy no'n.
Darating din siguro ang tamang panahon, araw, oras na tuluyan ko na matatanggap na wala na siya.
Ako na lamang ang lalakad sa buhay na sana ay kasama ko siya. Kasi hindi talaga madali...

BINABASA MO ANG
The Doctor Series #1 : My New Life is You
RandomWhen Sychelle Dayle Fernandez, the love of Hideo Canliagn's life, passed away, his world shattered. A part of him died with her, leaving a void that no amount of success could fill. As the owner and lead surgeon of HC Medical City, Hideo threw himse...