XXIII

Mika's POV

It's too late na, pero bakit di pa rin siya tumatawag sakin? Sabi pa naman niya dun ako matutulog sa unit niya. Ano kayang nangyari?

Baka naman naakit na siya nung babaeng yun?

O kaya naman, baka may nangyari na sakanila?!

OHMY! MIKA! TUMAHIMIK KA NGA!

ARRRRGGGGGGH!

Bakit kasi di siya nagtetext? -_______-


Tinawagan ko si Camille at pinapunta dito, you know Camille? Yung friend ni Clarence, naging close kami. Hahaha! Masaya naman kasi siya kasama eh. Nakakatuwa nga siya eh.

Pero this time, umiiyak siya sakin.

"Hey, Camille tama na..." sabi ko sa kanya.


"Mika, naiintindihan mo ba ako? HIRAP NA HIRAP NA KO, LAGI NA LANG AKO ANG NAGHAHABOL SA KANYA. HINDI NA KO NATUTO. ANTANGA-TANGA KO TALAGA. PERO KAHIT ALAM KONG MALI NA 'TO ANG MASAKIT, MAHAL KO PA RIN SIYA." Sabi ni Camille.


"Camille naman, andaming lalake diyan di mo lang napapansin, nakafocus ka kasi diyan sa tarantadong yan eh! Ang G*G* niya kaya! Kapag nakita ko yung lalakeng yun, naku. Baka masapak ko siya."

Nakakaawa siya, she's crying dahil sa isang lalakeng walang kwenta.


"Mika, I'm not that pretty like you kaya walang lalake diyan para sakin."

Umiyak na naman siya.

"Luka-luka 'to! Maganda ka, parehas tayo!"


"Really? Nagsisinungaling ka lang eh."


"Hey, hindi. Maganda ka talaga. Swear. Then you're smart. Hindi bagay sayong magpakatanga dahil lang dun sa lalakeng yun."

Ngumiti ako ng malawak sa kanya.

"Lalo mo kong pinapaiyak Mika."

Natawa kami pareho.

"AHAHAHA! Luka, nagsasabi lang ako ng totoo."

She wiped away her tears.

"By the way, where's Clarence?"

Iniba niya na yung topic.


"Hmm. He has a date today, hindi ko nga alam kung bakit wala pa siya eh."

Hinawakan ni Camille ang kamay ko.

"Mika, nakaw! LALAKE si Clarence! Baka naman naakit na nung babaeng kadate niya? Yun yung babaeng nagbid sakanya tama?"

Pareho kami ng utak hahaha!

"Yeah, pero Camille may tiwala naman ako sa kanya eh."


"AHAHAHA! Nakalimutan ko, Clarence hates bitch. Ayaw na ayaw niya sa mga babeng kung makaasta ay parang nakarat na. hahahaha!"

"HA? Anong nakarat."

"Gay word yun, it means naANO na. you know na yun!"

Tawa ng tawa si Camille. May toyo ata siya eh, kanina lang iyak ng iyak ngayon tawa naman ng tawa.

"GRABE! Kung anu-anong alam niyo ah? Haha! Kamusta pala si Kathleen?"


"Hmmm. Ganun pa rin, ang nagbago lang naman. Hindi na sila magbestfriend ni Clarence. Grabe, kung alam mo lang dati. Dikit na dikit silang dalawa. Parang entrance lang sa mall ang nakapaghihiwalay sa kanila. Madami ring nagtatanong sakin kung sila raw ba? hahaha! Lagi lang tawa ang sagot ko. Kasi we know na mahal ni Clarence si Kath highschool pa lang. pero si Kath lang ang hindi nakakaalam."

Woman to WomanizerBasahin ang storyang ito ng LIBRE!