CHAPTER 4
Rat Velaroza
Seryoso ako sa pagmamaneho ng sasakyan ko sa NLEX pauwi sa amin. Nasa tabi ko ng kapatid kong si Mice habang may kausap siya sa phone. At mukhang masaya siya.
"Talaga? Ate Nini? Dumating na 'yung purses? Yey!"
Si Niniana pala ang kausap niya, pangalawang kapatid namin.
"Kuya! Dumating na 'yong in-order mo for us! Thank you!" She said in a sweet voice.
"Good," Sagot ko sabay nagkambyo.
Last week ay pinagsabayan nila akong i-tag sa Instagram na gusto nila ang isang purse from Gucci. Dahil nairita ako kaya iyong latest na ang in-order ko para sa kanila.
"Ipanghampas niyo uli sa ipis, kayo na talaga ang hahampasin ko."
Napahagikgik si Mice. Kita mo, tuwang-tuwa pa sa ginawa sa previous purse na binili ko. Paano kasi, nang may makita silang ipis sa may coffee table ng garden ng mansion. Ayun, pinaghahampas nila gamit ang previous purses na binili ko rin. Wala namang damage kasi pinaghampas lang naman. Kaso, ayaw na nilang gamitin dahil daw napaghampas na sa ipis. Talaga nga naman, ang kaartehan ng mga babae.
Ganyan sila. Everytime na may gusto binubulabog ako ng tagged o mentioned. Halos silang dalawa lang ang laman ng notifications ko. But then, kung para naman sa mga kapatid ko. Why not?
Wala naman akong ibang mai-spoiled kundi sila lang, lalo na 'yong si Niniana. Saksakan ng arte at pagka-brat. Minsan nagkakabangayan kami at sagutan. Hinahabaan ko lang talaga ang pasensya ko sa kanya. Kasi sa akin sila ibinibilin lagi ni Mom and Dad.
"Kuya, hindi na. Promise!" sabi niya sabay taas ng right hand.
Hindi ko na siya sinagot.
"Ang sungit mo naman Kuya! Baka naman, pa drive thru sa Burger King. Please..." Nag-pout at puppy eyes siya.
Nailing ako at iniliko ang sasakyan patungo sa drive thru ng Burger King.
"Order the fuck you want, Mice." I said pagkahinto sa order lane.
Napapalakpak siya sa tuwa. Lumapit siya ng bahagya upang marinig ng speaker ang order niya.
"How about you Kuya?" tanong niya sa'kin.
"No, I'm on a diet."
Nagkibit balikat siya at tinapos ang pag-order.
Nagtungo kami sa ikalawang lane para sa payment. Pagkatapos ay sa pick-up lane na. Marami-rami ang na-order ni Mice kaya baka maghintay pa kami ng ilang minuto.
Sumasagi sa isipan ko si Head Nurse. Kundi ba naman kasi tanga o sadyang inborn na siyang tanga. Nakikipag one night stand naman ako before. Pero matagal na 'yong huli at hindi ko na nga maalala dahil past time lang ang mga babae sa akin noon and I make sure that I'm protected all the time. Pero ngayon nagsawa na talaga ako sa kanila.
Pare-pareho lang naman ang mga nakaka hooked-up ko noon. Pero itong si Head Nurse ay talagang kakaiba ang katangahan.
Nakakatawang isipin na hindi pala ako ang inaasahan niya na gusto niyang maka one night stand kundi 'yong lalaking kaibigan niya? Like what the fuck? Mayroon palang tao na gumagawa ng planadong one night stand?
Kaya mas lamang na natatawa ako. Bukas sa duty pagtatawanan ko talaga ang babaeng 'yon.
Bubwisitin ko siya hanggang sa magresign nalang siya.
Hindi ko tuloy maiwasan na mapangisi sa evil plan na naiisip ko. Nakahanap ako ng bago mapagti-trip-an. Thanks to her stupidity.
"Kuya? Hala! Kuya?"
BINABASA MO ANG
The Doctor Series #3: Reaching You
RomanceCat Villanueva is the Headnurse of HC Medical City at nabuntis siya ng kinaiinisan at mortal enemy na Doktor. Ito ay si Rat Velaroza, isang OB-GYN. Ayaw sa kanya magpa-prenatal check-up ni Cat. Kaya ang ginawa niya ay pina-blacklist niya ito sa la...