4. PAGSILIP (Part 2)

12.1K 102 4
                                        

Wala ng musika na nanggagaling mula sa lumang radyo.


          "Pasensya na po pero wala na po talaga akong mapuntahan."


Ang huling sabi ko matapos kong ipaliwanag ang naganap na kamalasan sa buong maghapon matapos niya akong tanungin sa aking pakay na pagbalik sa bahay niya.


Nagulat daw siya ng makita ako sa gate kanina. Kinuwento ko sa kanya ang lahat kahit nahihiya ako pero naglakas-loob na lang talaga ako. Sukol na ako.


Matapos ng paglahad ko ay hindi muna siya nagsalita. Sa gitna ng katahimikan ay di ko maiwasang masdan ang makisig na si Mang Greg. Nakakadagdag lalo pa sa kanyang pagkalalaki ang mga tato sa braso pati na ang kunot-noo niyang seryoso na mukha tila malalim ang iniisip. Suot niya ay tanging manipis na maikling shorts kaya bumakat ang dapat na bumakat. Magkatapat kaming nakaupo sa sofa. Hinintay ko ang sasabihin niya nang sa wakas ay magsalita siya.


          "Sabi mo wala ka ng kamag-anak...", umpisa ni Mang Greg sabay sandal sa sofa at nag-de-cuatro ng upo habang ang mga bilugang braso ay pinatong sa sandalan ng sofa kaya lumitaw ang mabuhok niyang kili-kili. "...at hinahanap mo 'kamo ang tatay mo?"


Tumango lang ako habang nakapatong ang mga kamay ko sa hita ko, naghihintay sa sunod niyang pasya. Iniwas ko ang tingin ko muna sa kanya dahil hindi iyon ang tamang oras para sa pagpapantasya. Di na bago ang huling sinabi niya dahil nakwento ko na iyon sa kanya kagabi habang naghahapunan pero hindi lahat, nilihim ko na lang ang mga pinakaimportanteng detalye. Ilang minuto pa bago siya muling magsalita.


           "Di ko kilala ang taong hinahanap mo pero kung gayun nga, papayag ako... pero sa isang kondisyon!"


Nakiusap rin ako sa kanya na kung maaari ay sa kanya na ako tumuloy dahil wala na talaga akong mapuntahan at 'di na ako pwede bumalik sa bahay-ampunan. Pakapalan na ng mukha tutal minsan ko lang naman ito gagawin saka malay ko kung maawa siya sa akin. Di naman siya mapeperwisyo dahil inalok ko siya na kung tatanggapin niya ako ay pwede akong manilbihan sa kanya bilang boy o utusan, lahat ng gawaing-bahay ay gagawin ko basta hayaan lang niya akong tumira sa bahay pansamantala.


Habang sinasabi ko pa iyon kanina ay seryoso lang siya at walang sinabi kaya kinakabahan ako na malaki ang posibilidad na tumanggi siya. Wala akong makitang awa o pag-aalala basta paminsan-minsan tumatango lang siya sa kwento ko bahala na kung maniwala siya pero sinabi ko lahat ng totoo. Pero nang sabihin niya na may kondisyon sa pagpayag niya ay nakakita ako ng maliit na pag-asa. Sa wakas! Mataman akong nag-abang sa kondisyon niya. Kahit ano pa yan handa akong tanggapin basta't tulungan niya ako. Ngayon ay nakatitig na ako sa simpatiko niyang mukha.


           "Ikaw ang gagawa lahat dito sa bahay at susundin mo lahat ng utos ko, LAHAT. Maliwanag ba?", matigas at malakas niyang sabi. Walang pasubali akong tumango, napangiti.


Yun lang pala eh. Sanay na ako sa gawaing-bahay hehe. Sisiw 'to!


           "Opo, opo, Mang Greg, salamat po ng marami!", ang maiyak-iyak kong sagot sa kanya na halos tumalon ako sa sobrang saya.


Si Itay . . . ang Barakong Ex-ConTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon