Chapter 1

91.2K 4.3K 53
                                    

"Bakit mo naman kasi pinatulan pa 'yung anak ni Aling Minda," my Yaya chastised as she wiped my bloodied face using her Good Morning face towel.

Si Yaya Lucille na ang nakagisnan kong magulang at noong una ay nalilito ako kung bakit Yaya ang tawag ko sa kanya at hindi Mama katulad ng tawag ng mga kalaro ko sa mga ina nila o kaya ay Nanay katulad ng tawag ni Kuya Delfin sa kanya. Pero, ang sabi n'ya ay may Mommy at Daddy raw ako at s'ya lang ang inutusan nilang mag-alaga sa akin.

"Tinawag po nila akong ulila..." pagsusumbong ko.

Pinunasan ni Yaya ang mukha ko.

"Sabi ko naman po hindi po ako ulila, eh."

"Tama ka naman, hindi ka naman talaga ulila. Paano ka naman naging ulila kung may mga magulang ka?"

Pero, mahirap sa isang bata ang maniwala na may mga magulang s'ya lalo na't hindi pa n'ya sila nakikita. At lalong mahirap para sa isang bata ang ipagtanggol ang sarili n'ya sa mga kalaro n'yang hindi pa nakita kahit ang anino ng mga magulang na ipinagmamalaki n'ya.

"Hindi ba ang sabi ko ay pabayaan mo lang ang mga 'yun? Pasok sa isang tainga, labas sa kabila."

I clenched my fists swallowing the sob that threatened to rise to my throat. "Sabi ko nga po tama na, eh, pero hindi po sila huminto..."

"Eh, anong napala mo? Sa tingin mo ay hihinto sila sa katutukso sa'yo pagkatapos ninyong mag-away? Bakit ba kayo nag-away ni Cocoy?"

"Ang sabi po n'ya wala raw po akong Mama at Papa. Ang sabi po n'ya ay sinungaling daw po ako kasi sinabi ko pong meron. 'Ya, totoo po bang napulot n'yo lang po ako sa palengke?"

"Hindi. Hindi totoo 'yan."

"Eh, bakit po 'yun ang sinasabi ni Cocoy?"

Yaya Lucille clucked her tongue. "Bakit, sino bang pinapaniwalaan mo 'yung Cocoy na 'yun o si Yaya? May Mommy ka, may Daddy ka rin."

"Meron po ba talaga, Ya?"

"Nakakausap natin ang Mommy mo, 'di ba? Narinig mo na ang boses n'ya, 'di ba?"

"Boses lang po, Ya, pero, kahit kailan hindi ko pa po s'ya nakikita..."

"Bunso, hindi ba't sinabi ko na sa'yo dati? May inaayos lang ang Mommy mo—"

"Bakit n'ya po ako iniwan sa inyo, Ya? Bakit po kayo ang nag-aalaga sa akin at hindi po s'ya? Kailan po s'ya pupunta rito para maipakilala ko po s'ya kina Cocoy, Totit, at Dexter?"

"Bakit kailangan mo s'yang ipakilala kina Cocoy, Totit, at Dexter?"

"Para po maniwala po sila na meron po akong Mommy. Kahit po kasi ipakita ko po sa kanila 'yung litrato ni Mommy, hindi po sila naniniwala, eh. Ang sabi po nila litrato raw po 'yun ng artista..." I confided sniffling.

"Por que sinabi ng iba ay 'yun na ang totoo kahit alam mo sa sarili mo na hindi? Kapag sinabi ni Cocoy, ni Totit, o ni Dexter na wala kang Mommy kahit alam mo namang meron ay sa kanila ka na maniniwala?"

I shook my head.

"Eh, 'yun naman pala."

"Pero po..."

Naging malungkot ang mukha ni Yaya. "Bunso, malapit na akong magtampo sa'yo. Ayaw mo na ba kay Yaya? Bakit parang hindi ka masaya na si Yaya ang nag-aalaga sa'yo?"

"Masaya naman po, eh..."

"'Yun naman pala, h'wag ka nang makipag-away. Tingnan mo ang napala mo, namaga tuloy 'yang mukha mo. Naku 'yang Cocoy na 'yan talaga masabihan nga ang mga magulang n'yan—"

Aleph's Heart (Self-published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon