4. PAGSILIP (Part 1)

12.9K 103 7
                                        


          "Pasensya ka na hijo pero palugi na ang negosyo namin at madami na kaming kinukop mula sa ampunan... hindi na namin kayang tumanggap pa ng kasunod."


Ang naalala ko lang na sabi ng matandang babae na asawa ng nagpapatakbo ng pabrika na dapat ay pagtatrabahuan ko para naman masuportahan ko ang aking sarili. Sagad langit ang panlulumo ko sa balitang iyon. Nakiusap ako ngunit bigo akong makumbinsi sila na pagbigyan ako. Pakiramdam ko ay wala na akong direksyon sa buhay. Ang nag-iisang bagay na sana ay magbibigay pag-asa sa akin ay naglaho pa.


Paano na 'to?


Kaninang umaga ay nagpaalam na ako kay Mang Greg at sinabi ko sa kanya ang plano kong magtungo sa pagtatrabahuan ko. Tinanggap naman niya ang pasasalamat ko at siya pa mismo ang naghatid sa akin sa bayan angkas ng motor niya. Nang madaan kami sa munisipyo ay doon na kami naghiwalay. Sa oras na iyon inisip ko iyon na ang huling bes na magkikita at magkakausap kami. Bago pa siya tuluyang umalis ay nagpasalamat siya, di ko tinanong pa kung para saan saka siya humarurot palayo.


Dapit-hapon na at wala akong mapuntahan. Nandito ako ngayon sa lumang fountain sa may likod ng munisipyo. Nag-iisip kung ano ang susunod na hakbang pero blangko ang utak ko. Naisip ko kanina na bumalik na lang sa ampunan pero imposible iyon dahil kapag lumisan ka na doon ay hindi ka na pwedeng bumalik – iyon ang patakaran.


At ngayong bigo ako sa plano ay wala akong magawa kundi maiyak. 40 pesos na lang ang natitira sa pera ko. Kumain kasi ako kanina ng tanghalian sa karinderya tapos bumili ako ng tsinelas dahil napigtas ang gamit ko. Suot ang lumang pantalon at bagong t-shirt na regalo sa akin ni mang Greg, isinukbit ko sa balikat ang backpack habang nag-isip kung saan tutungo ngayon. Ayoko na maabutan ng dilim sa daan dahil wala akong alam sa lugar na ito. Nabablangko ako. Napaupo ako sa gilid ng fountain at napaisip.


Paano na nga ba ito?


Nang kumain kami kanina ng agahan ni mang Greg ay hindi namin napag-usapan ang naganap kagabi, parang walang nangyari. Hindi ko na din binuksan ang usapin sa hiya ko sa kanya. Nagpasalamat na lang ako nang magmagandang-loob siya na ihatid ako rito sa bayan kahit paano. Ayokong magpalaboy at maging pulubi. Natatakot ako sa lugar na ito. Habag sa sarili, naisip ko rin ang bahay-ampunan higit si DJ. Subalit hindi na ako pwede bumalik doon. Ayoko na rin kasi.


Mabait sa akin si Dj at kahit kailan ay hindi niya ako pinabayaan, mapahamak o magutom. Pinahid ko ang luha bago pa man ito tuluyang pumatak. Kailangan kong gumawa ng paraan. Desperado na ako kaya isang desisyon ang pilit kong binuo sa isipan ko.

          

          "Bahala na!"



o o o 0 0 0 o o o



Madilim ang gabi, may ilaw naman sa poste kaya aninag ko pa rin ang daan tungo sa bahay na pakay ko – ang lumang bahay ni Mang Greg.


Oo, ito ang desisyon ko kanina. Nakakahiya man pero lakas-loob akong nagbalik rito gamit ang natirang pera ko pabalik. Ngayon ay sarili ko na lang at damit na suot ang merun ako – iyong backpack na dapat ang laman ng ilang gamit at dokumento ay nanakaw sa akin, hinablot habang palakad ako sa terminal. Sinubukan kong habulin pero di ko naabutan at wala man lang tumulong sa akin mabuti na lang nilagay ko sa bulsa ng pantalon ang natirang pera ko.

Si Itay . . . ang Barakong Ex-ConTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon