Parang nawala ako sa sarili ko nang ilang segundo, At nakabalik lang ako sa realidad ng hilain ako ng kapatid kong lalaki, at tinulungan niya akong makatayo,and the next thing i know, pinagtutulungan na nilang buhatiN si Papa, ng mga pinsan ko at mabilisang isinakay sa sasakyan nila.


Hinawakan ni mama ang magkabilaang balikat ko.


"Anak, delikado kung sasama ka sa hospital, dito kana muna at ma-maghintay ng mga kapatid mo." Natatarantang sabi ni mama saka na sila nagmadaling umalis at pina harurot ang sasakyan.


Naka-alis na silang lahat pero andito parin ako tulala at patuloy na umaagos ang mga luha ko. Dinadama parin kung totoo ba ang mga nangyari kani-kanina lang , para kasing nananaginip lang ako.


"Ate!! Ate!!" Sabay marahan na pag-alog sa balikat ko ng kapatid kong babae "ate, papunta nadaw sina kuya dito, susunduin tayo para makasunod sa hospital, ate magbihis ka ng hindi ka masyadong makikilala ng mga tao,baka may makakilala sayo dun, baka lalo lang magkagulo— ate!. Please naman! Huwag ka munang mawala sa sarili mo..." sabay hagulgol ng kapatid ko.. "please ate,kailangan na kailangan namin ang lakas mo ate."


"O-oo!si-sige" taranta kong sagot saka ko lang niyakap ng mahigpit ang kapatid ko. Para aluhin, at hindi ito ang oras para mawala sa sarili, kailangan kong maging malakas para sa pamilya ko,para sa mga kapatid ko.


Kaya nagmadali na akong nagbihis, nag hood nalang ako, at nagsuot ng surgical mask,At ilang minuto pa dumating na si kuya at sumunod nakaming lahat sa hospital kung saan dinala si papa..


Pagdating namin, nakaupo sina mama at tita sa may mga upuan sa waiting area sa labas ng emergency room, at iyak lang ng iyak si mama at si tita,


"Ate, samahan ko lang sa canteen sina Rico," dinig kong sabi ni tita kay mama, saka na siya tumayo..

Dinaanan ako ni tita pero bago siya makaalis ng tuluyan, pinisil niya muna ng marahan ang balikat ko,yung kApatid kong babae nasa kabilang upuan katabi ni mama. Yung lalaki nakasandal Sa pader tabi mismo ng pinto ng ER. At si kuya nagpark lang ng sasakyan sa labas.


"Mama," i said pero parang pati boses ko nawawalan na ng lakas.


"sinabi ko naman sa papa mo, na magpa check up na, pero ang tigas talaga ng ulo," humikbi pa si mama, "lumala pa ng makarinig siya ng masasamang balita tungkol sayo, kahit hindi siya magsalita alam ko na sobra ang pag-aalala
Niya sayo, mahal na mahal ka ng papa mo." She said while sobbing. At ginawa ng pamunas ni mama ang laylayan ng damit niya sa mga luha niyang hindi na natigil.


Lalo lang akong naiyak, parang bubog na unti-unting tumatarak sa puso ko. Ang sakit lang!yung makita din si mama ng ganito. Parang nahirapan akong huminga.

"Mama. Sorry po,kasalanan ko lahat ng ito." I said, wala naman kasi akong dapat sisihin kung hindi ang sarili ko lang diba? Dahil ako naman nag trigger lalo sa kalagayan ni papa.


"Anak,hindi,wala k-kang kasalanan."
She deeply sigh "wag mong sisihin ang sarili mo at walang may gustong mangyari ito.ha."


I nodded pero hindi parin matigil ang pag-agos
Ng mga luha ko. Kahit ilang beses pang sabihin ni mama na wala may gusto ng nangyari at huwag kong sisihin ang sarili ko.


Pero Sa loob ko, sinisisi ko ng paulit-ulit ang sarili ko sa mga nangyari kay Papa ngayun,
kung hindi sa mga katangahan at sa mga pabigla-bigla kong desisyon hindi sana lalong nakasama sa kalagayan niya.

To love a star  Where stories live. Discover now