23 "Painful Truth"

44.9K 791 23
                                          

23

"Painful Truth"

Natapos din naman yung class ko that day. Wala lang talaga ako sa mood after ng mga nangyari. Mabuti nga at nakapasok pa ako sa Rockpile. Sabay kaming nag-out ni Kyle. Naisipan ko na ding tanungin sya kung pwede pa ba akong makisiksik sa apartment nya. Kasi ang alam ko may mga kasama din sya dung babae tapos hati hati sila sa upa. Nalungkot na naman ako, hindi ko kasi mapigilan kapag naiisip kong magkakalayo kami ni papa.

"Kyle, kamusta nga pala yung tinitirhan mo ngayong apartment?" Sabi ko sa kanya pagkalabas namin ng store. Naglakad kami papuntang sakayan ng jeep.

"Ay naku Torrence," sumimangot sya, "umalis na ako dun. Paano ba naman kasi hindi ko makasundo yung bagong kasama namin dun. Naturingang mga babae sobrang kalat."

Nagulat naman ako sa narinig ko. Ang malas ko naman. Wala na pala sya dun.

"Ganun ba? San ka na nakatira ngayon?" Malungkot kong tanong.

"Nakakita ako ng murang apartment dyan lang sa malapit. Ang swerte ko nga at nakuha ko agad. Maliit lang sya compared dun sa dati kong tinitirhan pero okay na din sa'kin."

Syempre hindi na ako nagpaliguy-ligoy pa. "Pwede ba akong makishare sa'yo? Don't worry magbabayad din naman ako. For the meantime lang naman habang hindi pa okay si papa sa bago nyang work."

Napatigil si Kyle nung sinabi ko yun. Humarap sya sa'kin at ang laki ng smile nya. "Seryoso Torrence?" Tumango lang ako. "Naku, okay na okay lang sa'kin. Ako palang kasi mag-isa dun sa apartment at naghahanap nga ako ng mga makakasama."

Parang nabawasan yung tinik ko sa dibdib at nakahinga ako ng ayos. "Salamat Kyle."

"Pero okay lang ba sa'yo? Baka kasi anong isipin ng iba na babae ka, tapos lalaki ako then iisang bahay." Seryoso nyang tanong. Ang bait nya no? Concern talaga sya. Napaisip din naman ako.

"Eh di wag nating ipaalam sa iba hangga't hindi ka pa nakakahanap ng ibang makakasama sa bahay." Sagot ko sa kanya. Marami syang kilala, baka nga lumipat sa kanya yung ibang dati nyang kasama dun sa apartment kasi kilala na nila si Kyle.

"Sigurado ka ha?" Tanong nya at tumango ako. "Pero don't worry, yung kaibigan ko nagpapaalam lang sa parents nya, soon lilipat na din yun sa apartment. Dalawa na kayong babae." Paliwanag nya sa'kin at gumaan naman ang pakiramdam ko.

Naglakad na ulit kami at nakarating kami sa may sakayan. Naiwan ako mag-isa dahil walking distance lang naman yung apartment sa kantong yun. Ang ganda kasi malapit sa store. Mabilis lang makakauwi. Hindi ko naman pinag-iisipan ng masama si Kyle kasi matagal na kaming magkaibigan, kahit kailan hindi ko sya nakitaan ng dahilan para hindi pagkatiwalaan. Magalang sya sa mga babae. Halos lahat nga ng regular customers na babae gustong gusto sya kasi maganda daw ang taste ni Kyle sa alahas. Ilang saglit lang eh binalikan ako ni Kyle.

"Bakit hindi ka kaya sumama sa'kin para makita mo yung bahay? Malapit lang naman yun dito." Pagyaya nya sa'kin.

"Magandang idea. Sige, dadaan muna ako dun. Itetext ko na lang si papa para hindi sya mag-alala." Kinuha ko agad ang phone ko para itext si papa. Alam kong mag-aalala yun kapag di ako nakauwi sa oras. Alam pa naman nyang out sa ako sa store.

Tatlong kanto lang ang layo ng apartment from the jewelry store, then isang sakay lang ng jeep papuntang school. Hindi ako mahihirapan. May kaliitan yung bahay compared sa inuupahan namin ni papa at wala syang gate. Pumasok na kami sa loob. Tiles ang sahig at maganda ang color ng paint. May sala set at dining table sa loob. May dalawang room pero curtain lang ang pintuan nung isa.

"Ano sa tingin mo, Torrence? Sabi sa'yo may kaliitan. Kapag dumating yung isang babae pwedeng share kayo sa room, or sa sala na lang ako matutulog. Kung magaaral ka pwede ka dito sa sala. Isa nga lang ang electric fan ko. At kung mapapansin mo walang TV. Meron ako dyan portable dvd. Pwede mo naman yung hiramin." Pinakita ni Kyle sa'kin ang buong bahay.

LOVE Disaster (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon