PROLOGUE

15 4 0
                                                  


AUTHOR's POV

Pasukan na naman, kaya literal na maraming estudyante ang nakakalat sa labas at loob ng mga eskwelahan.

Pero sa lahat ng eskwelahan, may isang naiiba kapag dumating na ang nag-iisang pinakahinahangaan.

"Kyaaaaaaaaaaah!!"

"Uwahh!!!"

"My Ghad!!!!!!"

Ilan lang 'yan sa mga maririnig mo tuwing dadaan o papasok ka dito.

*Click *Click *Click

Picture dito, picture doon. Pangalawa naman 'yan.

Bakit?

Isa lang naman ang dahilan.

Dahil sa paaralang ito, pumapasok ang isang superstar na kinahuhumalingan ng daan-daan. Bata, teenager, adults, at senior citizens. Babae man o lalaki, fan na fan talaga ng artistang 'to.

Bakit na naman?

Eh kasi gwapo siya, super attractive, hot, mayaman, talented, saka magaling talaga umacting. Mabait naman siya, pero malay ba natin kung umaacting lang din siya. Sa mga mata ng fans niya, siya na ang pinaka-perfect, kahit wala naman talagang perpektong tao sa mundo.

Karamihan din sa mga kalalakihan ay iniidolo siya't ginawang role model. Kahit yung mga may sariling mundo ay ginagaya na siya ngayon. Ganun kalakas yung impact niya sa mga tao.

Ito nga pala yung Q University, ang paaralang nagiging magulo sa tuwing siya'y nandidito. Sigawan dito, tilian doon. Lakas makabasag ng eardrums.

Pagkalabas at pagkalabas talaga niya ng kotse, agad na gumulo ang paligid. Nakikisali pa tong mga reporters na talak ng talak, pati mga paparazzing pasimpleng kumukuha ng litrato na para bang wala lang.

Sinabayan siya ng dalawang bodyguards papasok ng school, habang ang kotse nama'y nakaalis. Nakasunod na rin ang ibang mga estudyante, kaya yung mga reporters nasirhan na ng gate.

Pangiti-ngiti siya habang binabati yung mga bumabati sa kanya, habang ang mga bodyguards, panay protekta sa kanya.

Hindi rin nagtagal, nakapasok na siya sa unang klase niya. At sa wakas natahimik narin ang lahat, dahil nag bell na.

---------

XAIKE's POV

Grabe ang hirap talaga 'pag sikat, kahit saan ka man magpunta ang daming taong buntot ng buntot at kahit saan biglang sumusulpot.

Kahit nga dito sa class ko ngayon, medyo hindi ako maka-focus.

Pano ba 'yan?! Eh kahit 'tong prof namin sa History, kanina pa lumalandi sa harap ko. Kainis!

Buti nalang at last year ko na 'to, tapos graduate na din ako. Mababawasan na ang mga problema ko, at hindi narin ako makakakita ng mga malalanding estudyante at guro.

Nawala ang pagkunot ng noo ko nang narinig ko ang bell.

"Okay, Class Dismiss!" sigaw nung malanding prof

Dali-dali akong lumabas ng room para pumunta sa next class ko. At eto na naman, ang daming haliparot sa daan.

Kung hindi ko lang talaga pinangangalagaan ang image ko, matagal ko nang pinatulan ang mga 'to. Nakakainis! Ayaw ko pa naman sa mga babaeng pinagpipilitan ang sarili sa mga lalaki. Idagdag mo pa tong mga lalaking feeling close at gaya-gaya, may nalalaman pang Xaike's Battalion eh hindi naman bagay sa kanila. Tsk. Walang originality.

My Lover is a PaparazziTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon