NANGINGINIG ang mga kamay ko habang hinahawakan ang siradura ng pintuan. Nabasa ko sa may gilid iyong Jasmine Claire S. Bragais, tapos sa baba niyon ay ang Carven Bringas, MD.I breathed to steady my breathing tapos ay pumasok na ako. Naisip kong bumisita muna kasi talagang hindi ako mapakali sa kakaisip kanina. I wasn't intrigued even a bit about JC being in the hospital and it surprised me. Kahit papaano ay may pinagsamahan naman kami. I used to love her once, but whenever I think about how I broke Kira when I chose to commit that mistake with JC, I realized that I no longer really wanted to have anything to do with JC but this one right now is a different case. There is a child in her womb and there's a big possibility that it's my flesh and blood. I can't neglect nor even abandon the child that could possibly be mine. So with a nervous smile, I focused my sight onto the woman lying on top of the bed.
Mukha naman okay si JC, wala din namang nakaturok sa kanya na kung ano. Siguro dahil sa buntis sya kaya walang anumang IV na nakakabit sa kanya. Nakahiga lang talaga sya doon at gulat na gulat nang makita nya ako.
"What the hell are you doing here?" Tanong nya at napasulyap sa dala kong bulaklak. Inilapag ko ang dala kong mga bulaklak-- iyon 'yung ibinigay namin ni Ammo kanina kay mama, 'yung mga puting rosas na medyo nagsisimula nang maging kulay abelyana. Hindi na ako nagpaalam kay mama nang kinuha ko 'yun tutal ay hindi naman nya ako nakitang bitbit iyon. Sadyang hindi lang talaga ako nakapag-isip ng mabuti kaya naman nakarating ako dito sa hospital na wala man lang solidong plano o ano pa man. Ni wala man lang akong dalang prutas tapos itong bulaklak ko pa, papalanta na. Ang nasa utak ko lang nang mga sandaling iyon ay takot-- takot kasi nakasalalay sa sitwasyon ngayon ang magiging kahihinatnan ng buhay ko.
Alas sais na ng gabi. Sa pagkakaalam ni Kira ay pupunta ako sa bahay nya ng alas siete. Hindi nya alam na may date kami, pero ngayon ay takot ako kasi baka hindi na matuloy iyon. Kung totoo ngang sa akin ang batang dinadala ni JC, alam kong mawawalan na ako ng karapatan kay Kira. Anong mukhang maihaharap ko kay Kira kung totoo ngang buntis si JC at ako ang ama? Hindi ko alam kung matutuloy pa ba ako. Takot ako. Ginago ko sya, kampon ng mga kaibigan ko. Anlaki na ng mga naging kasalanan ko pero tinaggap nya pa rin ako sa kabila ng lahat ng ginawa kong katarantaduhan. If it were any other woman ay baka isinumpa na ako pero hindi, iba si Kira kasi tinanggap nya ako, and I'm trying so hard to make up for my shortcomings in our relationship right now pero itong nangyayari ngayon, whatever the outcome may be, I know this will definitely make or break everything that I have with Kira.
If the kid is mine, then I would have to let Kira go kahit na masakit, kahit na hindi ko kaya. Isipin pa lang na iyon ang mangyayari ay parang binibiyak na ang puso ko sa sakit pero anong magagawa ko? I need to man up and face the consequences of all the shits I've committed. Now I'm starting to regret my attitude towards things. Ako kasi iyong tipo ng taong hindi nag-iisip. Kung anong momentaryong nararamdaman ay iyon ang ginagawa. Hindi gumagamit ng utak sa mga desisyon. Parating inuuna ang bugso ng damdamin. Parati akong pinagagalitan ni papa kasi ito daw ang pinakamalki kong problema sa pagkatao ko at kailangan kong ayusin iyon pero naging trienta na ako't lahat-lahat ay hindi ko pa rin iyon nababago. Puso pa rin parati iyong pinapairal ko.
Now look where it got me.
But looking back, puso din ang pinairal ko nang tanggapin ko si Kira sa buhay ko, kaya nga ilang buwan pa lang, nagdesisyon na akong yayain syang tumira sa iisang bahay kasama ko diba? Kahit na gaano ka-komplikado ang sitwasyon, ipinaglaban ko iyon kasi iyon ang gusto ng puso ko. It was what my heart wanted. It is my fatal flaw that has lead us to where we were, and it is also my fatal flaw that lead us to this
Damn.
Everything that I worked hard for, all of the adjustments that I've undergone just so I could at least be the person that Kira somehow deserves, everything will be thrown to waste once JC confirms what I am afraid of. Kira doesn't deserve any of the crap that I've been giving her because she deserves a far better man than I am. Nakakatakot, natatakot ako.