"Baka magkakaroon tayo ng meeting tungkol diyan" sabi ko at uminom ng tubig.

Biglang may pumasok kaya tumayo si Eva at in'entertain ito.

"Sir Clyde kayo po pala"

Napa-ubo naman ako bigla ng marinig ko ang pangalan niya pagtingin ko ay nagtama ang aming mga mata, kaya agad akong umiwas ng tingin.

My heart started to beat fast again. I don't know if this is because I am nervous to see him or what.

Oh my gosssh, andito siya! Bakit siya andito! Kala ko nasa Ilocos pa siya.

Tumayo agad ako at tatalikod na sana ng tawagin niya ako.

"Faye"

Napatingin naman si Eva sa akin takang-taka ang mukha kung bakit kilala ako ni Clyde. Hindi ko pa rin nasabi sa kanila na ka roommate ko si Clyde.

Hinarap ko siya at umarte na hindi ko siya kilala "Yes Sir tinawag niyo po ako?"

Please...please huwag mong sabihin ang tungkol sa mga aso at lalong lalo na yung magkakilala tayo.

"Where are the dogs?" napapikit agad ako ng marinig ko ang mga salitang yun.

Kakasabi ko lang na huwag mong sabihin ang tungkol sa aso eh.

"Sir? Pardon?" I acted like I didn't heard what he just said.

"The dogs" he said again while looking at me seriously.

Napatingin naman agad ako kay Eva na nakatingin pa rin sa akin.

"Ah andun po Sir" turo ko. "Samahan po kayo ni Eva"

Agad namang napaturo si Eva sa kanyang sarili at tumango naman ako. Total alam niya naman saan nakalagay sina Tobi At Cooper eh.

"I want you to bring me to them" Clyde said while looking at me.

Putek naman oh!

I sighed and look at him seriously "Sure Sir" then I smiled at him.

Iniwan na namin si Eva sa entrance at takang-taka pa rin sa mga nangyayari.

Papunta na kami kina Tobi at Cooper ng magkasalubong kami ni Ma'am Olivia at Peah.

"Clyde!" Ma'am Olivia smiled when he saw Clyde.

Malas ko naman oh nakita na nga kami ni Eva kanina, ngayon naman sina Peah at Ma'am Olivia pa. "Tita long time no see"

"What brings you here?" Ma'am Olivia asked, then look at me. I just smiled to show my respect.

"I'm here to get my dogs" agad na sabi ni Clyde.

"Oh! Hindi ko alam na iniwan mo na naman pala sila dito"

"I'm not the one who took them here" he said, at tumingin sa akin "It's Faye"

Kaya si Ma'am Olivia at Peah ay nakatingin sa akin na pawang naguguluhan din.

"Oh I see you two knew each other"

"Hindi po Ma'am"

"Yes Tita"

Sabay naming sabi ni Clyde.

"Ano ba talaga? Well di ko na kayo aabalahin. Mukhang alam naman ni Faye san nakalagay ang mga aso mo. See you Clyde" Ma'am Olivia said then smiled at Clyde and me.

Pagkatapos ay umalis na sila. Hinampas ko naman siya sa balikat.

Nagsalubong ang kanyang mga kilay "What?"

"What mo mukha mo, halika kana kunin mo na sina Tobi at Cooper" inis kong sabi.

"Are you mad at me?"

"Hindi"

"Sure?"

"Hindi nga okay!"

"Okay you're mad" sabi niya at nag-unang maglakad.

Napapikit ako ng mariin.

Inhale. Exhale

Pinasuot muna namin ng leash sina Tobi at Cooper, pagkatapos ay kinuha na rin namin sila.

"Are you going home with me?"

Gulat ko siyang tinignan "Ah..?"

"Tapos ka na ba sa trabaho mo? Pwede ka ng sumabay sa akin pauwi" he rephrased what he just said.

Napatingin naman ako sa aking relo. Ang bilis naman ng oras, hindi ko namalayang tapos na pala trabaho ko.

Kung sasama ako sa kanya baka mas lalong maghinala sina Eva sa akin.

"Huwag na may bibilhin pa ako eh" Palusot ko, pero sa totoo lang ay wala naman talaga akong bibilhin.

"Okay sasamahan ka namin" sabay tingin niya sa mga aso.

"Huwag na"

"I insist"

"Okay lang talaga huwag muna ako samahan"

"Para din sabay na tayong umuwi"

"Okay fine..." I cannot say no anymore because he keep on insisting it.

Nagpa-alam muna ako kina Eva ng makita ko sila sa entrance. Tinignan naman nila ako at parang sinasabi sa mga mukha nila na bat' kami magkakilala ni Clyde. Parang ayaw ko tuloy magtrabaho bukas feel ko uulanin ako ng mga tanong.

Binuksan ni Clyde ang backseat at pinasakay sina Tobi at Cooper. Ako naman ay sumakay sa shotgun seat.

Nagsimula na siyang mag drive at tinanong ako bigla. "Ano nga pala ang bibilhin mo?"

"Ah huwag na nakalimutan ko na"

"Pwede ba yun" takang sabi niya. "Well let's just buy some food, drive thru tayo"

"Okay basta libre mo"

Ngayong araw na'to ay dumating si Clyde galing Ilocos. I don't know what is this feeling but I feel home when I'm with him.

*
As of August 7, 2020 Happy 1.09k readers! I can't believe it! You made me so much happy. Thank you very much po and sorry for updating late. <3

My Mr. RoomMateNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ