Patience
Napakahalaga na parte ng ating buhay ang pasensiya. Para sa kapayapaan ng ating damdamin. Hindi dapat tayo nagmamadali sa mga bagay na gusto nating mangyari. Kumbaga, may nakalaan na para sa'tin kaya dapat ay matiyaga natin itong hintayin na may kalakip na pasensiya.
👨⚕️ HIDEO ADONIS
Kasalukuyan akong nagra-rounds sa pasilyo ng 8th floor. Ito ang ward para ss mgs senior citizens. Ang hospital namin ay by order ang mga pasyente. Mayroong ward na para lamang sa mga bata, expectant mothers, may malalalang kondisyon sa respiratory system upang maiwasan ang hawaan, ward para mga babies, mga nasa middle ages, teenagers, at ito nang senior citizen ward.
Mayroon akong pasyente na siyang dumaan ng surgery sa akin. Nakakatuwa, he's survive that critical surgery na ginawa namin. Abo't-abot ang dasal namin ng team ko na magtagumpay kami.
At nagtagumpay nga kami sa operasyon. Nagre-recover na siya ngayon.
Pagkatapat ko sa private room kung saan siya naka-admit ay kumatok muna ako. May nagbukas ng pinto para sa akin.
Nakangiti akong pumasok sa loob. Naabutan ko na siya'y pinapakain.
"Good morning Mr. Santos." Bati ko sa kanya. Kaagad siyang napatingin sa akin at napangiti.
"Dok...good morning po."
Bati naman sa akin ng mga kasama niya sa loob ng room.
"Check ko po kayo." Lumapit ako sa kanya at inilagay stethoscope ko sa taenga ko. Itinapat ko sa kanya iyon at saka nag-record sa chart. Sunod kong ginawa ay inalam ang BP niya.
Normal na ang lahat ng vitals niya.
"Mukhang puwede na kayong mag-discharge bukas," sabi ko.
Gayon na lamang rin ang tuwa niya.
"Maraming salamat po talaga, Dok, salamat sa buhay ko na dinugtungan ninyo." Taos pusong sambit niya.
I tapped his shoulder.
"Mr. Santos, naging instrumento lamang po ako. Alam n'yo naman po siguro kung sino ang mas dapat ninyong pasalamatan, kailangan pa kayo ng mga mahal n'yo sa buhay."
Sa hospital na ito. May lumilisan, mayroon ding nadurugtungan ang buhay at saksi ako sa lahat ng iyon. I save life. Pero minsan kapag hindi nila kinakaya ay hindi na sila nagpapatuloy.
All through years. To all may lives I cured and saved.
Pero napapatanong pa rin ako.
Bakit siya? Hindi ko man lang nailigtas ang buhay niya?
Sabi nila kapag daw nakaligtas ka sa kamatayan ay kailangan ka pa ng mga mahal mo sa buhay.
Kailangan ko pa siya sa buhay ko. She deserves to live and continue her life.
My Sychelle deserves to live...
Pero bakit pinagkait na dugtungan ang buhay niya? Bakit ganoon lang kaikli?
Bakit kailangan kong maiwan.
When my parents died. Ilang linggo rin akong halos panawan ng bait. Pero nilabanan ko kasi nandiyan pa ang kapatid ko. Nakaligtas ang kapatid ko. Nadugtungan ang buhay niya. Para sa akin.
Life is so unfair to me. Nawala ang mga taong pinakamamahal ko. Kaya hindi ko alam kung worth it pa ba na ipagpatuloy ko ang buhay ko kung lagi naman akong nabubuhay sa kalungkutan.
Pero na-realized ko all through years. Hindi madaling gumaling ang mga sugat. Pero naniniwala pa rin ako naghihilom rin ang lahat. Mas makakaya ko na ang lahat. Nabubuhay ako para sa kapatid ko at mga pasyente dito sa HC.
BINABASA MO ANG
The Doctor Series #1 : My New Life is You
RomanceIt was hard for Dr. Hideo Canliagn to start again after his fiancée died in a tragic accident. But fate seems to enjoy playing its little games with him, especially when he meets Sychelle--a devout nurse who shares the same name as his lost love. **...
Wattpad Original
Mayroong 11 pang mga libreng parte
