Yoo Joon's POV
Matapos ko siyang halikan ay kaagad ko siyang binitawan. Bakas sa kanya na nagulat siya sa ginawa ko.
Lumuhod ako sa harapan niya at hinawakan ang mga kamay niya. Please Illa, give me a chance to prove myself to you. Pagsusumamo ko.
Hindi siya sumagot sa mga sinabi ko. Kaya binitawan ko ang mga kamay niya at yumuko nalang. Wala na kong magagawa kung ayaw mo. Hindi na kita pipilitin pa. Malungkot na sabi ko.
Tinalikuran na niya ko saka umalis na sa rooftop, habang ako naman ay naiwang mag isa dito.
Nanatili akong nakayuko nang biglang umulan. Napaka ganda naman ng timing nito. Hayssss.
Tumingala ako sa itaas. Mukhang nakikidalamhati ang kalangitan sa akin.
Tumayo na ko saka naglakad na papunta sa pintuan nang biglang sumulpot si Vladimir sa harap ko.
Pasensya na Joon, pero mukhang hindi pa nakakalimot ang puso niya. Sabi nito sakin.
Naglakad siya palapit sakin at isinarado ang pinto. Nginitian niya ako saka kumuha ng dalawang upuan.
Hindi nito inalintana ang ulan at casual na umupo siya sa upuan. Anong trip mo? Tanong ko sa kanya.
Bored lang ako. Sagot niya. Saka sasabihin ko na din sayo ang dahilan kung bakit ayaw nang magmahal ng Ate ko. Dugtong niya.
Umupo ako sa upuan kaharap niya. Parehas na kaming basa ng mga oras na iyon. Parehas din naming hindi inalintana ang malakas na buhos ng ulan.
Ayaw niyang magmahal hindi dahil sa niloko siya o pinagpalit siya. Ayaw lang niya na maulit ang lahat ng nangyari noon. Saad niya.
Ayaw maulit? Ano bang nangyari noon?? Tanong ko.
Bumuntong hininga siya saka hinarap niya ako ng mata sa mata. Pinatay ng Yggdrasill ang kasintahan niya matapos naming tumiwalag sa grupo. Pag uumpisa niya. Ganon din ang ginawa nila sa fiancee ko. Pagkasabi niya non ay agad na ikinuyom niya ang mga kamao niya. Inisip nila na tatraydurin namin sila matapos naming tumiwalag sa grupo. Kaya iniutos nila na patayin kami ni Ate.
Vladimir's POV
Flashback 3 years ago
Vlad!! Kakain na! Sigaw ni Ate sa labas ng kwarto ko.
Nagising ako sa malakas na sigaw ni Ate. Tinigna ko ang orasan. Taragis 10am na pala!
Teka lang! Bababa na kami!! Sigaw ko pabalik at saka bumangon na sa higaan ko.
Nagbihis ako ng damit ko nang magising ang fiancee ko. Good morning babe. Bati ko sa kanya.
Good morning din babe. Bati niya pabalik.
YOU ARE READING
Chimera: The Beginning (COMPLETE/EDITING IN PROGRESS)
ActionA Story of Three Brothers who will fight against each other for the sake of becoming the Supreme One among the three of them.
