Napangiti na lang ako, kahit pala nakakapagod ang araw na 'to dahil sa shooting na madalaing araw pa sinimulan at ngayong gabi lang natapos ay natanggal ang pagod dahil sa walang sawa nila suporta,sa paghihintay nila saking matapos ang shooting ko,hindi sila nagsasawa.

"Miss Chloe may gusto po ba 'kayong kainin?" biglang sabi ng katabi kong si Gemma sa akin.

"Uhm Chicken and Salad na lang Gemma and iorder mo rin yung ubang team gamit ang card ko, Salamat." saad ko.

"Naku miss napakabait niyo talaga! Salamat" sabi ni Gemma na may naka plaster na ngiti sa kanyang mukha.

Nang nakarating sa location ng pagpophotoshootan ay kumain muna ako kasama ang aking team sa room na naka assign samin. Pagkatapos kumain ay nagtoothbrush muna ako tsaka pina umpisahan ang pag-aayos sa aking mukha.

Pose dito,Pose doon. Gaya ng nakasanayan mabilis na natapos ang photoshoot kaya naman lahat ng tao sa loob ng room na iyon ay masaya dahil tapos na ang kanya 'kanyang trabaho at madilim na rin sa labas.

Masaya ring nagdidiwang ang team ko habang ako ay nakatingin lang sa kanila habang nakangiti at nag-iisip.

Masaya sila dahil finally makakasama na ulit nila ang mga mahal nila, uuwi nanaman sila galing trabaho ng may sasalubong ng yakap at madaming halik galing sa pamilya at mahal nila.

Napaka sayang isipin, ngunit agad ding dumaloy ang kanina ko pang isinasantabi na lungkot, Sana sakin 'din may sasalubong, pagkatapos ng nakakapagod na araw na ito.

Isinawalang bahala ko ang lungkot ko at inisip na lang ang mga taong nasa harap ko.

Napaka suwerte niyo!

"Miss Chloe tapos na po,naipalagay ko na rin po ang mga regalo at bulaklak na natanggap niyo sa van" masayang wika ni Gemma sa akin. Si Gemma ay ang aking assistant, matagal na siyang naninilbihan sakin. Nag uumpisa pa lang ako sa showbiz ay siya na ang kasa-kasama ko.

"Thank you Gemma! Let's go home na magpapalit lang ako" wika ko at tinanguan niya ko at binigyan ng malawak na ngiti.

Pagkauwi ko sa aking bahay ay bigla akong nalungkot ulit.

Mag-isa nanaman ako.

Maagang nagpaalan si Gemma pagkatapos niyang ibaba ang mga regalo ko dahil Monthsarry daw nila ng kanyang boyfriend kaya naman after niya kong niyakap ay nagmamadali siyang umalis.

Habang papasok ako sa aking kwarto ay may naramdaman ako sa akin paa. Sinalubong ako ng aso kong Corgi fawn, bigay sakin to ng daddy ko bago siya mamatay. Napaka ganda ng mata niya at dati pangarap ko talaga to kaya naman nung binigay sakin to ni daddy ay talagang naiyak ako. Atleast 'may nasalubong sakin!

"Hi nuggets!" sabay upo ko sa sahig at buhat sa kanya. Napaka saya ng may alagang aso. Kahit na wala kang katuwang sa buhay ay nanjan sila para pasiyahin ka.

Agad kong binaba si nuggets at pinakain, Umakyat na ko at naligo, iniwan kong bukas ang pinto ng kwarto ko gaya ng nakasanayan dahil alam kong maya 'maya ay papasok yan si nuggets.

Pagkatapos kong maligo ay bumaba ako ulit para uminom ng tubig. Napakalaki ng bahay na ito. Eto na lang ang tanging naiwan ni daddy bago siya namatay syempre bukod kay nuggets, at bukod kay nuggets ay ako lang at ang mga kasambahay ang naninirahan dito.

BituinWhere stories live. Discover now