CHAPTER 29

3.8M 83.8K 65.7K
                                    

MAX'S POV

Umakyat na kami ni Naih kesa kausapin si Aimee na wala namang kwenta ang mga pinagsasasabi.

"Tss. Nasa mood pala sya mang-asar e bakit wala namang nakakaasar sa mga pinagsasasabi nya? Korni,"angil ko.

Natawa si Naih. "Makapang-asar lang, e, 'no? Hahaha, basta basta! Hindi muna mag-isip si tanga."

Nagsimula na naman ang nakakapagod na discussions nang makabalik kami. Nakakaubos ng enerhiya ang dami ng ipinasulat, quiz at recitation.

Nagmamadali kaming makababa nang mag-breaktime. Pero hindi pa man kami nakararating sa ground floor ay may humila na sa bag ko. Dahilan para mawalan ako ng balanse at mahulog sa hagdan.

Agad na naghiyawan at nagtawanan ang mga nakakita.

"Hahahaha!"

"Bwahaha!"

"Sakit sa pwet nun, hahaha!"

"Hala! Max! Okay ka lang?" tumakbo pababa si Naih at tinulungan akong tumayo.

"Okay lang," pinagpag ko ang likuran ko.

"Lampa ka ba o sadyang tanga ka lang talaga?"nangibabaw ang isang tinig.

Nang mag-angat ako ng tingin ay 'ayun sa harap ko, nasa hagdan, ang isang may kalakihang lalaki. Malaki ang bulas at maitim. Hindi ko halos makita ang mata niya dahil sa repleksyon sa kaniyang salamin.

"At sino ka naman?" inis na tanong ko sa kanya.

"Haha! Hindi mo ako kilala?"

Mukha bang itatanong ko pa 'yon kung kilala kita? Tss. Kinuwa ko ang backpack ko, sinabit sa likod ko at umastang aalis.

"Teka! San ka pupunta? Hindi pa tayo tapos!" mayabang na sabi nya na hinawakan pa ako sa balikat.

Hinawakan ko ang kamay nya at ibinato palayo.

"Wow! So totoo pala talaga ang bali-balita? Matapang ka nga," humalakhak siya. "Ano bang kaya mong gawin, ha?"

"Pwede ba" Natigilan ako nang gumitna sa 'min si Migz.

"Ops! Ops! Ops! Tama na yan, ha? Tara na Max," si Migz. Inakbayan nya ako at inalalayan na papalayo.

Liningon ko yung lalaki, nakaturo sya sakin. "I'll keep an eye on you," nakangising sabi nya pa habang papalayo kami.

"Sino ba yun? Ang sakit ng pwet ko, peste."

"Yun ang siga dito," si BJ.

"Halata. Hahaha! Scary!" si Naih.

"Akalain mong may mas siga pa kila Sensui?" sabi ko habang hinahawakan ang pwet ko. Ang sakit lang talaga.

"Iba naman yun kasi talagang nambubugbog yun. Boyfriend ni Aimee yun."

"Ano?" kaming dalawa ni Naih.

"Oo, 'te. Boyfriend siya ni Aimee!"

Nagkatinginan kami ni Naih at sabay na natawa. Sobrang lakas no'n at hindi agad natapos. Tumawa kami nang tumawa.

"Oh bakit?"

"King inang yan. Lakas ng loob niyang sabihan kami ng maiitim tapos yung boyfriend nya, nuknukan ng itim? Kalokohan!" natatawa talagang sabi ko.

HE'S INTO HER Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon