PROLOGUE

2.7K 110 15
                                        

DATE STARTED: 2020, MAY
DATE COMPLETED: (ON GOING)

First Impression

Gaano kahalaga para sa'yo ang first impression? Nagm-matter ba sa'yo kapag nalaman mo kung sino o ano ang unang akala nila sa'yo as individual? Mao-offend ka ba kung negative ito?

Siguro sa iba, hindi naman ito ganun ka-big deal. Pero sa a'kin, lately, oo.

Medyo malambot daw kumilos, walang alam na sports, k-pop stan, at higit sa lahat, napaliligiran pa ng mga bakla. Ganyan ako nakikita ng ibang taong hindi nakakikilala sa akin.

Since then, ang first impression tuloy sa akin ng mga tao ay isa rin daw akong bakla. Oo, nakatatawa siya sa simula pero katalagan, hindi na.

Alam ko namang hindi kasalanan o sakit ang pagiging bakla, kaya hindi dapat ito pandirihan o ikahiya.

Sa katunayan, I love gays! May mga kaibigan at kakilala akong bakla. Lahat ng ninong ko, bakla. May kuya rin akong bakla. All of my life, napaliligiran na talaga nila ako. Sila ang environment na kinalakihan ko since isa ring babaeng bakla ang nanay ko at sila rin ang tumulong sa kanya na palakihin kami nung mga panahon na mag-isa lang siya na lumalaban sa buhay. I don't mind being associated with them. Wala akong malisya sa kanila. I would rather spend my time with them than anyone else, to be honest. Walang dull moments, just pure dogshow.

At dahil nga sa palaging sila ang nakakasama ko growing up, somehow, na-adopt ko ang kanilang humor and some of their characteristics. Siguro, isa narin ito sa malaking factor ng problemang kinahaharap ko sa matagal ng panahon.

Sa una, ayos lang naman siya. May mga tao akong nakilala at eventually naging kaibigan dahil akala nila ay bakla ako. Mas lumawak din ang sources ko when it comes to connection. Like kapag kailangan ko ng ganito at gan'yan, may mga nalalapitan ako, specially school related.

Kapag napag-uusapan nga ang about dito, tinatawanan ko nalang. Pero katagalan kasi, naaapektuhan na nito ang reputasyon ko as a straight man. Women my age don't find me attractive. Kapag may natitipuhan ako, palagi akong naf-friendzone. What worse is, every time na may nangf-friendzone sa akin meron ding nagc-confess na lalaki. Oo, lapitin ako ng mga bisexuals, tops, at curious straights. Ewan ko ba?!

Sabi nila, sobrang feminine ko raw kasi. Ang lambot ko raw tignan. Ano ba kasing definition niyo ng masculine? Dapat ba bulky ang katawan? Yung amoy baktol at tanga by nature? Bakit ba sira ang gaydar nila pagdating sakin?

And in my own words, one of the worst parts of being labeled as a gay is yung discrimination at bullying. Oo, maraming beses na akong na-discriminate at na-bully. They call me names, they treat me like a weirdo nung kabataan ko. I'm a product of bullying. Kaya rin siguro ako naging ganito ka independent kasi nga wala akong kaibigan bukod sa mga kuya ko while growing up.

Isa rin siguro sa naging batayan nila sa impression nila sa akin is I'm an achiever. Medyo competitive. Palong palo ako sa lahat ng bagay. Bigay na bigay kumbaga. May mga nakakarating pa nga sa akin na narcissistic daw ako, which is totoo naman. I don't mind them. I don't see anyone as competition because I'm the competition myself. (Wow!? WHAHAHA)

Pero kiber lang kung anong iniisip sa akin ng mga tao, as long as kilala ko ang sarili ko. Hindi ako in denial o defensive lang ah, confident lang talaga ako sa kung sino at ano talaga ako. Mas traight pa kaya ako sa nakatirik na kandila!

And back to reality, ito na ang huling taon ko as high school student. After less than a year nalang, magiging freshman na ako. Pwede akong mag-build doon ng bagong personality o image, malayo sa baklaing Kit na kilala nila.

And for my last shot as a high school student, I have my plans on my book.

- Umiwas sa mga issues
- Be the top of the class
- Makapasa sa Dream University ko
- Have a girlfriend (hihi)

Pero nararamdaman kong mukhang may ibang plano para sa akin ang tadhana. Hindi pa nagkakamali ang instinct ko. Kaya sigurado akong hindi magiging smooth ang lahat. Pero sabi nga nila, "Makibeki! Huwag mashokot!" Kaya tadhana, give it to me! Like give na give! Hard, ganun!

VOTE = Sugar Daddy
FOLLOW = Nota
IGNORE = Breakout
(Ayusin mo desisyon mo sa buhay)

I'M NOT GAY!!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon