Chapter 2

2 0 0
                                    

Tinawagan ko si Kent, kaibigan ni Rhys. Gusto ko lang maexperience nitong kapatid ko magretreat at hindi naman gaano kamahal. Makasabi ng sobrang mahal kayang kaya naman pala.

"Nasabi ko na kay Kent na kasama ka tsaka nabayaran ko na rin kaya wala kang karapatan magreklamo." Sinabi ko sakaniya. Mahigit isang linggo na rin nakalipas noong nangyari yung mga nakakalecheng pangyayari sa buhay ko.

"Ate naman!" Akala ko nagreklamo ng magsalita ulit. "Yie thank you ate! Pero okay naman na saakin kahit hindi sumama pero mapilit ka edi sige." Dagdag nito sabay yakap.

"Kunyari ka pa, gusto mo naman sumama talaga." Natawa siya sa sinabi ko. Ngayon papasok na ako bilang mascott naman. Medyo okay na rin naman kita 3k pang dagdag na rin sa gastusin sa school ni bunso.

"Hi kids! Gusto nyo na ba makita si Jollibee!" Sabi nung host. Ang maganda lang dito hindi ka mahihiyang sumayaw nakacostume ka naman eh.

'Sa Jollibee bida ang saya!'

Natapos na rin ang sayaw, sa wakas. Lumabas na ako sa venue at bumaba para ibalik na itong costume.

"Hey, it's you again!" May bumati saakin at tila nakikipag apir pa. Tinignan ko siya at nilampasan.

"Jollibee, patingin nga ng sayaw." Halata namang nangaasar siya. Kase natatawa pa siya sa suot ko. Sinusundan pa din niya ako hanggang sa paghahanap ng table. Dahil may libreng pagkain naman ako galing dun sa birthday kinain ko muna.

Umupo naman siya sa tapat ko at tinitignan ako na parang naaamaze.

"Bakit ka ba nandito?" Tanong ko. Nakakainis akala ko hindi ko na ito makikita, higit isang linggo na rin kaya pagtapos mangyari yun.

"Of course, I'll order food. Ikaw, ilan ba trabaho mo?" Inirapan ko lang siya at tinuloy nalang ang pagkain. Nakakagutom pala pagkatapos sumayaw. Hataw ba naman yung ginawa ko.

"Jollibee, you want more food? I can order." Sabi niya habang tumatawa. Ano bang trip nito mascott ako hindi clown, Bakit ba siya tawa ng tawa?

"Manahimik ka nga, kumakain ako." Sagot ko. Nanahimik naman pero hindi pa din umaalis.

"Ilan nga trabaho mo?"

"Bakit mo ba tinatanong, pag sinagot ko ba aalis ka na?" Inis kong sagot. Tumango naman siya at nakakainis lang yung pagtitig niya, hindi ako natutuwa.

"Apat."

"Woah, you're amazing. So bakit ang sungit mo?"

"Bakit ang dami mong tanong?"

"Wala bawal ba magtanong?"

"Oo ayaw ko ng tinatanong."

"Sungit." Akala ko naman aalis na siya pero hinintay pa din talaga ako hanggang sa matapos ako.

Tumayo na ako at umalis na. Pero nakasunod pa din siya hanggang sa makalabas na ko sa restaurant.

"Hey Jollibee, see you around." Kumaway pa ang gago. See you around niya mukha niya. As if naman gusto ko pa ulit magkita kami.

Hay, finally nakahinga ulit. Napakainit ba naman ng costume na yun. Pero atleast, may 3k!

Bumili ako ng pagkain na baon ni bunso para sa retreat niya. Gutumin pa naman yun, parang may dragon sa tiyan kung kumain, kaya hindi rin naman nasasayang pagkain namin kase laging walang tira.

Umuwi lang ako saglit para ibigay ang baon ng kapatid ko.

"Eto mga baon mo." Inabot ko ang isang paper bag at pera. Mukha naman nagulat siya dahil hindi rin niya inaasahan. "Tanggapin mo na, parang nanay mo na din ako responsibilidad kita kaya okay lang." Nginitian ko siya.

Goodnights in DisguiseKde žijí příběhy. Začni objevovat