Chapter Twenty-One

1.2K 99 7
                                                  

Chapter Twenty-One

"Do you think your Dad will agree?" kinakabahang tanong ni Xandro.

Nasa may gazebo kaming dalawa. After my statement, pinalabas muna kami at ang mga kapatid niya. Hindi ko alam kung ano pa ang pag-uusapan nila.

"Just relax. Susuko ka ba kung hindi pumayag ang Daddy?"

Namungay ang mga mata niya habang nakatingin sa akin bago umiling ng ilang beses.

Napangiti ako.

"See. Hindi ako matitiis ng Daddy pero kung di siya pumayag then let's just prove him that we can do this..." sabi ko bago inangat ang kamay kong hindi niya binibitawan.

I saw how the sides of his lips rose into a smile. I can't help but look at him.

"What happened to my little Via?"

Kumunot ang noo ko.

"Why?" takhang tanong ko.

"You're always quiet, afraid that you might say something that you're not sure off. Nakakapanibago lang na sobrang vocal mo ngayon..." sagot niya habang titig na titig sa akin.

Biglang umihip ang hangin. Nahihiya akong ngumiti at tumingin sa farm nila upang itago ang pagka-pahiya.

"Ayaw mo ba?" mahina kong bulong. 

Nanigas ako ng maramdaman kong yumakap siya mula sa aking likuran at marahang humalik sa aking buhok.

"Gusto. You frustrateme sometimes. Hindi ko alam kung anong iniisip mo. Minsan akala ko ay nasa parehas na pahina tayo pero mali pala ako." ngumuso ako.

Hinawakan ko ang kamay niyang nakayakap sa aking bewang. Ipinatong niya ang baba sa aking balikat. 

"When I decided to stay. Ikaw una kong sinabihan kasi akala ko magiging masaya ka. I saw how disappointed you are when you found out that we are going to sell this land kaya sa'yo ko sinabi pero parang wala lang sa'yo."

Natawa ako bigla.

"I was afraid of what I am starting to feel towards you so telling me those things won't help. Di pa nga ako sigurado pero kung makapagsabi sa akin akala mo ay may relasyon na tayo noon. Naalala ko lang, sab] mo pala ay mag-eenroll ka hindi ba upang pag-aralan ang pag-bubukid?" takhang tanong ko. 

"Ang sabi ng Lolo ay mas matututo ako kapag hands on besides, nakapagtapos naman na ako. Gusto ko sanang mag-enroll ng agriculture pero ganoon naman ang nangyari." tumango ako.

"Sabi din ng Daddy ko sa akin 'yan. I transferred here because he thought that I will learn a lot if I'm exposed to it. Ang kaso lamang ay iba ang trato sa akin sa bukid..."

Natawa siya bigla. Kumalas ako sa pagkakayakap niya. Nagtatanong ang mga matang lumingon ako sa kaniya.

"Ayaw ka nila sa bukid dahil h]ndi ka raw bagay doon. Natatakot silang mangitim ka o masugatan ka. They're sheltering you because you are the owner's daughter. Naiintindihan ko sila kasi noong sinubukan kong sa bukid namin tumulong, hindi rin nila ako hinahayaan." ngumuso ako. 

Ganoon naman ata talaga ang mga manggagawa.

"Ate Livia..."

Sabay kaming lumingon ni Xandro sa likuran ng marinig na may tumawag sa akin. I saw Lexi with Kuya Jandro. Napansin ko kanina pa na para bang nahihiya siya sa akin. Ngayon nga ay nagtatago siya sa likuran ng kapatid.

"Ano 'yon?" tanong ko. I smiled widely para matanggal ang hiya niya.

Pinapatawad ko na siya sa kung anoman ang nagawa niya kasi kung ako ang nasa kalagayan niya, magtatanong rin ako. Hahanapin ko rin at titignan kung anong meron siya na wala sa Nanay ko. My heart aches for her.

Wrapped (Los Hacienderos #1)Where stories live. Discover now