EVEEN ARANETA

1K 16 0
                                    

Tahimik ang dinner na sana ay masaya kaya gusto sana nyang umalis doon dahil pakiramdam naman nya ay hindi sya belong. Si Even ay masaya na kumakain kaharutan ang babaeng talipandas.

"Why don't you eat some more Ekang." Salita ni Daddy Heaven, dahil yon na ang dapat itawag dito.

"Ah, salamat po." Nagyuko sya nang ulo. Sobrang nahihiya sya sa mga tao sa paligid.

"Your wife kuya Seven is cute when she's blushing!" Komento ni Even na sobrang kaswal lang.

Sabay sila ni kuya Seven na nabulunan. Nagkatinginan pa sila. Nakita nya rin na nabugahan nang tubig ni ate Sue ang asawa. Si ate Elie naman ay nabitawam ang kutsara. Si Oddi at Snow naman ay natawa.

"Why did I say something wrong?"Ebeng.

"Isn't she your wife kuya Seven?" Walang sumagot. "Well maybe it's complicated.Anyway family we went here in the Philippines to announce that Olive and I are married."

Gulantang syang napatingin dito, bigla nalang nanubig ang mga mata nya.

"Married?"Hindi nya alam kung sinong nagtanung.

"Yeah,we got married in Vegas bago kami umuwi."Bigla nalang syang napatayo, nasagi nya pa ang tyan sa lamesa.

"Ahh."Daing nya. Nang makitang nakatingin ang lahat sa kanya. "Excuse me po."Nagmamadali syang lumabas sa lugar na yon.

Agad nyang tinakpan ang mukha nang magtuloy tuloy ang luha nya. Hindi nya ma kontrol ang iyak nya.

Nagpakasal ito sa America! Paanong nagpakasal ito gayong kasal sila nang lalaki!? Naguguluhan nyang isip.

Paano na ang mga pangako nito sa kanilang hindi sya iiwan nito. Ganun nalang yon? Ang mga anak nila na hindi pa lumalabas ay hindi man lang mararanasan nitong magkaroon nang ama.


Lentachomiee

EVEEN ARANETA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon