Napaisip naman ako sa kanyang mga sinabi. Ano ang ibig niyang sabihin? Ano ang ipapaliwanag sa akin ni Tyrone?

**

Ilang minuto na rin ang lumipas mula ng magkausap kami ni Dianne sa telepono. Ang huling sinabi niya sa akin ay papunta na si Tyrone sa hotel na kinaroroonan ko.

Paroo't parito ako sa paglalakad sa loob ng silid. Hindi ko maintindihan ang kabang nararamdaman ko sa isiping magkakaharap kami ulit ng lalaking iyon. May kakaiba sa kanya, maliban sa pagiging lobo niya ay alam kong may kakaiba sa kanya. Iba ang nararamdaman ko sa tuwing nasa malapit lang siya.

Alam ko iyon dahil tulad kanina ay nararamdaman kong nasa malapit na siya. Naguguluhan ako kung bakit ko ito nararamdaman, para bang may hindi ako nakikitang pwersa na nagdudugtong sa amin. Bago pa man bumukas ang pinto ay nakatingin na ako roon, alam kong dumating na siya. Kung paano ko nalaman ay hindi ko maipaliwanag. Pero isa lang ang tumimo sa isip ko, nararamdaman ko ang presensya niya. Alam kong nasa malapit lang siya.

Hindi na ako nagulat nang bumukas ang pinto at iniluwa niyon si Tyrone. Seryosong-seryoso ang mukha niya pagkakita ko sa kanya, ngunit nang mapagawi ang tingin niya sa akin ay biglang kumalma ang ekspresyon niya.

Nakatayo pa rin siya sa bukana ng pinto. Walang gumalaw sa aming dalawa, para bang sinusuri niya ako at ako rin sa kanya. Ngayon ko lang napansin ang kabuuan niya. Sa tingin ko ay hanggang balikat lamang ako sa tangkad ni Tyrone. May kahabaan din ang kulay itim nitong buhok, mahahabang pilik-mata, matangos na ilong, at matang kasing-itim ng gabi.

"Florrence..." Basag niya sa katahimikan na namagitan sa aming dalawa. "Galit ka pa ba sa nangyari kanina?"

Lihim akong napangiti sa binungad niyang tanong sa akin. He was seriously asking me if I'm still mad at what he did to Sean. "Sinunod mo ba ang sinabi ko kanina bago tayo maghiwalay?" Nakataas kilay kong tanong sa kanya.

"Not exactly. But I guess he got my point." Maikli niyang sagot sa akin bago maingat na humakbang palapit sa akin.

"What point?" Kunot-noong tanong ko sa kanya.

"My point." May naglalarong ngiti sa kanyang mga labi ng sabihin iyon.

"Tyrone..." Sabi ko sa kanya sa nagbabalang tinig.

"Fine..." Sabi niya bago tumigil sa harapan ko. Nakayuko siyang nakatingin sa akin dahil na rin sa tangkad niya. "I punched him again." Magsasalita na sana ako para singhalan siya pero pinigil niya akong sumingit sa kanya. "Then I said my apologies."

"Oh... okay." Sabi ko.

"Okay?"

"Oo. Pero mali pa rin ang ginawa mo." Sagot ko sa kanya bago yumuko. "You said we're going to talk." At iniangat na naman ang ulo ko para matingnan siya sa mga mata. "I guess we should talk right now. Baka hinahanap na ako ni Dianne."

"You can stay here with me if you want." He offered.

"I don't know you, besides I'm with Dianne. Just start explaining things to me, Tyrone. Simulan mo na para matapos na tayo." Sabi ko sa kanya at umalis sa kanyang harapan. Hindi ako makapag-isip ng matino kapag nasa malapit lang siya.

"Where do I start?" Narinig kong sambit niya bago napayuko.

"Why did you call me mate? Bakit pakiramdam ko iba ang pakahulugan ng salitang iyon dito." Sabi ko sa kanya bago maupo sa gilid ng malaking kama.

Huminga muna ng malalim si Tyrone bago ako sagutin. "We, the Werewolves, have this crazy... custom or whatever you call it. Our Moon Goddess—"

"Pwede bang diretsuhin mo na lang ako? Hindi mo kailangang ikwento sa akin ang nakaraan ninyong mga taong lobo. Tell me what does "mate" means, that's it." Sabi ko sa kanya. Nakita kong napailing si Tyrone sa gawi ko bago lumapit sa akin. Hinila niya ako patayo bago binigyan ng tipid na ngiti.

Tyrone: Dark Series Book 1 (Completed)Место, где живут истории. Откройте их для себя